Thursday, September 29, 2011

“Mariang Dilag”

(Sanaysay na inilalarawan ang simbolo at papel ng isang babae sa lipunan)


Sa panulat ni: Mitzy Kaye

Kilala mo ba si Maria Clara?, ang babaeng lubos na tinatangi ni Crosostomo Ibarra? Si Melchora Aquino? O mas kilala sa taguring ‘Tandang Sora’? Si Gloria Diaz? Ang kauna-unahang babaeng Filipina na nagwagi sa patimpakak na MISS UNIVERSE? Ang nagpamalas ng husay hindi lamang sa pagsagot ng katanungan kundi ang pagpapkita ng tunay na kagandahan ng isang Filipina. Ang dating Pangulong Cory Aquino? Ang kauna-unahang babaeng naging Pangulo ng bansa. Ang mga ito’y nagpapatunay na ang kababihan ay may kakayahang makilahok at makipagsabayan di lsmsng sa larangan ng pandaigdigang patimpalak ngunit ang tunay na Filipina ay sumisimbolo sa larangan ng politikal,sosyal at kultural na isyu.

Bilang isang dalagang Filipina, hindi masusukat ang iyong kahalagahan pati ang kadakilaan sa pagpapamalas lang ng kabaitan, kasipagan at pagsunod sa mga kultura’t kaugalian kundi ang pagpapahalaga ng iyong kapurihan bilang isang birhen. ‘Kapuri-puri ang isand dalagang walang bahid ng dugo hanggat hindi ito ikinakasal sa kanyang irog. Kapuri-puri ang babaeng kailanma’y hindi isinuko ang kaluluwa sa lalaking hindi niya minamahal ng lubos”, mga katagang hindi ko kailanman malilimutan na isinambit ng aking inang.

Ang pagpapaalam upang hingin ang kamay ng isang dalaga sa kanyang mga magulang ang pinakamahirap na Gawain ng isang binatang umiibig. Napaka-pihikan ng mga kababaihan. Noon yun! Sadyang kayhirap.

Nabasa ko lamanng ang mga ito ha ang iba nama’y napanood ko. Sinasabing kung manliligaw man ang isang lalaki ay kinakailangang isagawa niya ito sa ika-7 ng gabi, haharanahin ang dilag. Pagkatapos ay bibigyan ng tatlong pulang rosas na sumisimbolo ng salitang “I love you” o ”mahal kita ” at tsokolate. Di ba nakakakilig? Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag kinakantahan ka ng iyong manliligaw at gagawin niya ang lahat-lahat makuha lamangang matamis mong “OO”.

Sa panahon ngayon, marahil ang tradisyong ito’y hindi na nakikita o kung hindi man ay iilan na lamang ang nagsasagawa. Yung tipong “trip trip na lamang maiba lang?”. pansinin mo rin na bibibhira na lamang ang mga babaeng pihikan. Ngunit masasabi ko lamang “nanalaytay pa rin sa ating dugo na ang isang babaeng Filipina ay may angking kagandahan at pinahahalagahan ang kapurihan pati ang dignidad”.

No comments:

Post a Comment