Bolero: Noon at Ngayon
Likas na mapagbiro ang mga lalaki, lahat ng paraan ay handang gawin mapasagot lamang ang magandang binibini. Nagbago man ang panahon, hinding hindi magbabago ang nagkakaisang ugali ng kalalakihan, ang pagiging bolero.
Noon kung nais mong mambola habang nagpakilala, ang sasabihin mo ay "Maganda ka pa sa araw Oh Binibini, makita ko pa lamang ang mala-anghel mong mukha, pakiramdam ko'y nasa langit na. Ang aking ngalan ay Bruskong Juan, tubong Bulacan. Ikaw Binibini? Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan at tirahan?". Subukan mong sabihin ito ngayon sa kababaihan, malamang ay sampalin ka ng babae dahil kundi ka niya mapagkamalang lasing , malamang ay isa kang modus operandi.
Ngayon kung nais mong magpakitang gilas sa isang babae habang nagpapakilala, ang unang sasabihin mo ay "Naniniwala ka ba sa love at first sight?" sabay ngingiti o di naman kayay'y tatanungin mo siya kung Google ba siya dahil nasa kanya na ang lahat ng hinahanap mo. Minsan naman ay dinideretso mo na"Hi! Im John, Anong name mo para add kita sa fb? Anong number mo para text text tayo?" Kung ito naman ang gagamitin mo noon, malamang ay sinugod ka na kina Padre Damaso at Padre Salvi dahil iisipin nilang ikaw ay sinasapian ng masamang ispirito.
Nagbago man ang mga istilo ngayon ng kalalakihan, ang adhikaing marinig ang matamis na oo mula sa dalaga pa rin ang siyang tropeyo na hinahangad ng bawat isa. Ganyan talaga siguro kaming Pilipinong Kalalakihan, Simple pero matinik.
No comments:
Post a Comment