Thursday, September 29, 2011

"Pamumuhay ng Tao sa Isyung Pangkasarian"

Ni: Sarah F. Faulve

Sa pagikot ng mundo, sa pagbabago ng panahon at sa paglipas ng mga araw. Marami sa buhay ng tao ang nagbago, kasama na dito ay ang pagbabago sa kultura at isyung pangkasarian. Sabi ng iba ang pangatlong kasarian daw ay ang tinatawag na "tomboy o bakla" o tinatawag nilang "in between", in between kung tawagin kapag ihahalintulad sa pagpila kung magsisimula na ang plag seremony, isang linya para sa mga babae at isang linya naman para sa mga lalaki, ngunit saan nga pala daw pipila ang mga bakla o tomboy? Edi sa gitna! o "in between" sabi ng iba.... Sa panahon ngayon marami na rin ang nakakatanggap ng ganoon dahil ito ay nakasanayan na o nasa kultura na daw ng mga tao ngayon ang ganoong pamumuhay. Noon sa simpleng paraan lng naipapakita ang paghahalintulad sa mga ito. Hanggang sa pumasok na ito sa hindi pangkaraniwang pamumuhay at ito ay ang magkaroon ng ralasyon sa kaparehas na kasarian. Noon sabi ng mga matatanda ay bihira ka lang daw makakakita ng mga magkarelasyon na lalaki o babae sa kaparehas nitong kasarian dahil hindi naman iyon tanggap ng lipunan noon. Ngunit sa panahon ngayon ay unti- unti na natatanggap ng mga tao ang ganoong pagbabago hanggang sa tuluyan na itong makasanayan hanggang sa makasama na rin daw ito sa kultura natin. Tama nga ba ito o mali? Ayon sa mga naglilingkod sa diyos, ang pagkakaroon ng relasyon sa kaparehas nitong kasarian ay isang kasalanan sa diyos, dahil nilikha daw ang tao upang umibig at makipagrelasyon sa hindi nito kaparehas na kasarian. Ngunit sa mata daw nila ay hindi ito kasalanan dahil kapag nagmamahal ka ay hindi kasalanan.


Tanggap na nga ba ang ganitong pamumuhay ng tao sa panahon natin at ito ba ay maituturing na natin na kultura ng mga tao? Paano na ang mga taong hindi tanggap ang ganitong pamumuhay? Dapat ba natin itong tanggapin o baliwalain? Dapat na lang ba natin hayaan ang ganitong pamumuhay? Tayo ba ang mapapasya o ang diyos na lumikha? Minsan naitanong ko sa aking sarili na bakit kaya nagkakaganito ang buhay ng tao, hindi na ba pantay ang pagikot ng mundo, sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti nang nagbabago ang panahon sa tuwing ito ay lilipas?


No comments:

Post a Comment