Thursday, September 29, 2011

Kabataan ni: Catherine Moncayo

     Maraming kabataan ang nakakaranas ng pagkalito sa kanilang tunay na identity, yaong mga kabataan na nalilito sa kanilang kasarian, identity crisis nga kung tawagin.

     Marami sa ating mga kabataan ang dumaranas nito, yaong iba nga ay hindi na alam ang gagawin para malagpasan ang ganitong pagsubok sa kanilang buhay. Yung iba naman ay kusa na, o hindi na pinahirapan pa ang kanilang sarili, tinanggap na agad ang kung ano ang kanilang nararamdamanng pagkatao, taliwas man ito sa kanilang kasarian.

     Mayroon nga akong kaibigan, minsan niya rin itong nakasalubong sa byahe ng kanyang buhay. Nung una ay hindi niya malaman kung ano ang dapat gawin.Madalas niyang maramdaman na siya'y humahanga sa kanya kapwa lalaki, pero nagkakagusto rin naman siya sa mga babae. Nasubukan na rin niyang manligaw, at hindi naman siya nabibigo, yu nga lang ay hindi nagtatagal ang kanyang pakikipag relasyon. Gwapo naman siya, mabait, matulungin at matalino. Nang ipinagtapat niya sa akin ang kanyang panigdadaanan, ay di ko alam ang aking sasabihin. Naitanong ko na lamang bigla, "Bakit?" Gustong-gusto ko siyang tulungan, ngunit di ko alam kung paano at sa kung saan kami magsisimula, tanging nagawa ko na lamang ay ang ibigay ang suporta ko sa kung ano man ang maging desisyon niya sa kanyang sarili.

     Matapos ang mga kaganapang iyon, ay nalaman ko, na wala na talagang iba pang makakatulong sa iyong sarili walang iba kundi IKAW mismo. Kaya sa mga kabataang dumaranas ng ganitong problema, buksan niyo lamang ang inyong pang-unawa, hindi niyo alam, marahil kayo'y nabibigla lamang, at maging maingat sa desisyong gagawin, lalo pa't maaari itong makaapekto hindi lamag sa sarili kundi pati sa mga taong nasa paligid mo.

No comments:

Post a Comment