BABAE KA
(Babae Para sa Kaunlaran)
BABAE KA
by A. Montano
Babae ka, hinahangad, sinasamba
Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya.
Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan
Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam.
Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.
Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo laging nakasara
Harapin mo, buksan mo
Ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka.
Kalahati ka ng buhay
Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla?
Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.
Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad
Harapin mo, buksan mo
Ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka.
Dahil sa akala ay mahina ka
Alaga mo ay di nakikita
Bisig mo man sa lakas ay kulang
Ngunit sa isip ka biniyayaan
Upang ang tinig mo’y maging mapagpasya
Upang ikaw ay lumaya
Lumaban ka, babae may tungkulin ka
Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain.

No comments:
Post a Comment