Likas sa ating pilipinong kababaihan ang mapainlang sa kapangyarihan ng ating mga asawa malaking puntos ang pagrespeto sa ating mga kabiyak upang maihanay bilang isang mabuting may bahay. Ang pag aasikaso mula sa paggising sa asawa hanggang sa pagtulog nito ,maging sa paghahain ng pagkain pati na rin sa paglalaba ng mga malibag na naisuot nito ay isang elemento upang mabuo ang imahe sa sarili bilang isang babae. Sa konseptong ito umiikot ang kultural na paniniwala ng karamihan na ang mga babae ay lagi lamang nasa likod lamang, ang tanging kapangyarihan ay na sa paglilinis at pagluluto lamang sa loob ng bahay. Si Adan daw ang unang ginawa ng dyos at sinundan lamang ni Eba bilang tagahalili sa pangangalaga ng Kanyang likha ,dito marahil nabuo ang konseptong ang lalaki ang magdodomina sa mundo at walang karapatan ang mga babaing pangunahan ang lalaki kahit sa ano mang bagay. Diktador ang ama, ang matibay na haligi ng tahanan walang maaaring masunod kung hindi siya ,sa loob ng tahanan ang ina ay isang tahimik at mapagunawang tao.
Ngunit iba na ngayon …..
Ang babae ngayon ay nakakakuha na ng mataas ng paggalang mula sa lahat. Dahil ito sa paglutang ng likas ng kagalingan nila sa ibat ibang larangan, nauungusan nila maging pinakamakalas ng kalalakihan , iba makipagsabayan ang mga kababaihang gutom sa gawaing matagal na sa kanila ay pinagkait. Patunay ditto ang mga babaing naging lider na nagpamalas ng kakaibang pamumuno ,na nagdala sa pagyakap ng paniniwalang may kakayanan din ang mga kababaihan na kayang humigit sa kakayahan ng katumbas ng kasarian, idagdag pa ang ilang kababaihang nagdala ng karangalan sa bansa gaya ng nga atleta na dati mga lalaki lamang ang nakakagawa. Tunay ngang mahaba na ang nagawang paglalakbay ng mga kababaihan, sila ang maituturing na sikretong sandata sa bawat tagumpay.
Pantay ang bawat tao, lalaki o babae….hindi masamang magtulong upang umusad ang pamumuhay…sa mga lalaking nakulong ang dating konsepto ng ang babae ay pambahay lamang ,nagyon na ang panahon para Makita at masaksihan ang kanilang kahusayan. Kaya naman sa mga lalaking nasasabihan ng ander de saya..ipagmalaki ito sapagkat sa likod nito ay isang babae na dakila.
At sa mga kababaihang takot ilantad ang kanilang tunay na damdamin ..panahon na upang tumayo at magamalaking babae ka !

No comments:
Post a Comment