Pilipino! Tinaguriang " Juan Tamad". Si Juan daw ay may kaugalian na sa mga pilipino ay may ganitong gawain. Ito ay ang pagiging "tamad".Ngunit kahit na ganoon si juan ay may ugaling mabutina kahit sino ay matutuwa dito. Nasabi na ang mga pilipino katulad ni juan ay may kaugalian o kultura na nang nakasanayan ito ay ang pagiging magalang , masayahin, mapagkumbaba, hospitabol, at mapagkawang gawa at marami pang iba. Sabi ng nakararami na ang lahat ng ibinigay na kaugalian ay makikita sa mga pilipino. Ang pagkamagalang ni juan ay ipinapakita nya sa pamamano sa mga mas nakakatanda sa kanya, pagsabi na "po at opo". Si juan din ay isang masayahing tao, kahit anong unos, problema, bagyo, masira man ang kanilang tahanan ang dumating sa buhay ni juan ay nakukuha pa rin nyang kumiti. may ngipin man o wala, kalbo man o may buhok ay nakukuha pa rin niyang ngumiti. Si Juan din ay isang mabuting tao sapagkat kung siya ay magkakaroon ng mga bisita sa kanyang tahanan ay lubos niya itong tinatanggapng buong ngiti sa kanyang labi. Kaibigan man ito ng kanyang mga kaibigan, mga kalaro ng kanyang mga anak at mga buwisita man kung tawagin ang duamating ay tinatanggap nya pa rin sa kanyang pamamahay, ganyan si juan! Si juan din ay isang mapagkumbabang tao dahil kahit gaano man siya nagkaroon ng mga bagay na wala ang iba ay hindi niya ito ipinagmamalaki. Si juan din ay isang mapagkawang gawa na tao dahil siya din tumutulong sa mga taong nangangailangan, isang halimbawa nito ay ang pagtulong niya sa kanyang mga kapitbahay sa mga gawain nito kahit ang meryanda na lamang ang bayad nito sa kanya. Maasahan din si juan sa pagtulong sa mga taong nangangailangan , pinansyal man ito o emosyonal.
Ganyan si Juan noon ngunit sa panahon ngayon ay unti unti na itong nababago at nawawala. Nakakalimutan at hindi naaalala kahit minsan. May mga tao pa rin bang katulad ni juan noon? o naubos na? Dahil ba ito sa kahirapan ng buhay o may iba pang dahilan kaya ngayon ay nawawala na ang ganitong kultura ng mga Pilipino? Ito ang dapat nating tuklasin at pagkaingatan dahil sa buhay ng tao marami nang pagbabago!.
No comments:
Post a Comment