Ni: Sarah F. Faulve
Lalaking Macho! Babaeng Sexy!
Babaeng Macho? Lalaking Sexy?
Si Malakas! Si Mahina!
Si Gwapo at Si Maganda.
Paano nga ba nagkapantay? Sabi nila ang lalaki daw ay haligi ng tahanan. Paano kung mawala ang haligi? Ano na kaya ang mangyayari? Magiging pilay na ba ang bahay o babagsak na ba ito dahil walang sumusuporta dito at ang ilaw ng tahanan ay mababasag na lamang ng tuluyan kapag bumagsak ang tahanan? Masisira na ba ang lahat ng mga gamit na nasa loob ng tahanan kapag nawala ang haligi? Paano naman kung ang ilaw ng tahan ang mawala? Magiging madilim na ba ang tahanan? Hindi na ba makakakita ng liwanag ang mga gamit nito sa loob ng tahanan? Hindi na ba nito maliliwanagan ang haligi ng tahanan at hindi na ba nito makikita ang liwanagng kanyang tahanan? Paano nga ba ito nagkapantay?!
Sabi nila ang mga babae daw dapat ay nasa loob ng bahay lamang at taga pag alaga ng mga anak. Minsan nga ang tawag sa mga babae ay "tiga o taga", tiga hugas ng plato, tiga luto ng pagkain, taga linis ng bahay at iba pa. Ang babae daw ay dapat taga gabay lang sa mga anak nito at palakihin nito ang kanyang mga anak nga maayos. Ang babae daw ay dapat nasa bahay lamang at hindi maaring magtrabaho. Kailan nga ba nagkapantay?!
Ang lalaki daw ay dapat tagapagdisiplina sa mga anak nito. Siya din daw ang magtratrabaho sa pamilya nito. Siya ang dapat magdesisyon sa bahay, kung baga ang lalakidaw ay ang dapat masunod sa lahat ng bagay. Kailan nga ba nagkapantay?!
Minsan sinsabi nila na kapag si misis ang masusunod sa tahanan ay " Under de Saya" si mister. Kapag si mister naman ang nasusunod lagi sa bahay ay "Hari" naman kung tawagin ang lalaki.
Paano at kailan ba magkakaroon ng pagkakapantay na pagtingin sa babae at lalaki? Magkakaroon pa nga ba ng pagkakapantay na pagtingin sa magkaibang kasarian? Ito ang mga tanong na maiiwan sa ating isipan kaya ito ay ating dapat tuklasin.
No comments:
Post a Comment