Bakla, salot daw ng ating lipunan
Lipunang ‘di uso ang kalakaran ng pagtanggap
Pagtanggap sa kanilang naiibang kasarian
Kasariang ang pagkilalala ng lipunan ang tangi nilang hanap
Hanap ay pagmamahal ng ating lahi
Lahing pinagmulan ng iisang lipi
Liping kinabibilangan ng babae’t lalaki
Lalaki na sa ngayo’y napupusua’y kapwa lalaki
Lalaki na karamihan sa ngayo’y nagging bakla
Bakla na ngayo’y marami ang tumutuligsa
Tumutuligsa sa kanilang dangal at pagkatao
Pagkatao na siniisira din ng kapwa nila tao
Taong maituturing din naman sila
Sila na mga bakla na ating tinatapakan
Tinatapakan kanilang ipinaglalabang karapatan
Karapatang mabuhay sa lipunan ng pantay-pantay
Pantay-pantay sanmang aspeto ng buhay
Buhay na Diyos din nama’y sa kanila’y nagbigay
Nagbigay ng pantay na karapatan sa kanyang mga nilalang
Nilalang na ngayo’y bumuo ng iba pang kasarian.
Pwede ko po ba itong kopyahin para ilagay sa tesis ko na napapatungkol sa mga bakla?
ReplyDeleteIlalagay ko naman po ang name nyo bilang credit. :)
ReplyDelete