(Sanaysay na naimbitahan bilang ispiker)
Paano nga ba kinikilala ang babae sa lipunan? Ano nga ba ang mga tungkulin at gampanin ng babae sa lipunang atin ginagalawan?
Noong primitibong panahon animo si Maria Clara ang mga kababaihan. Kasuotan ay balot na balot na para bang suman. Sa sobrang konserbatibo, talampakan, braso at mukha na lamang ang makikita mo. Sila'y hindi makabasag pinggan at masunurin sa magulang. Gawaing pambahay at pagtulong sa magulang ang inaatupag. Hindi nakikita na patambay tambay sa labas ng tahanan upang magliwaliw. Ang tanging pinaggugugulan ng oras ay sa tahanan kasama ang pamilya at kung hindi man sa tahanan ay sa simbahan at nagdarasal ng Aba Ginoong Maria.
Modernong panahon ay suriin din. Pananamit ay ibang iba. Kapos na ba ang henerasyon ngayon sa tela? Noon panahon pa ng atin lolo't lola, tela ng kanilang baro't saya ay sobra-sobra, ngayon paiklian sa damit ang labanan ng madla. Kung makasuot ng mini-skirt ay wagas akala mo ay wala ng bukas. Sleeveless kung sleeveless at shorts kung shorts. Dibdib ay lumuluwa na, kuyukot ay nakikita na, mapapasabi na lamang ng "Miss nakikitaan ka na, gusto mo ba ng tela?" Malimit na lamang makakakita ng binibini na ginugugol ang oras sa kanilang tahanan, karamihan ay nasa tamabayan winawaldas ang oras kasama ang kanilang mga kaibigan. Ang iba ay nagsisinungaling, magpapaalam sa magulang na, "Nay, may praktis po kami" o kaya naman ay "Nay, may group project po kami" Ang magulang naman ay maniniwala, ang akala niya'y pampaaralang gawain, sa lakwatsa pala gugugulin.
Panliligaw noon ay mahaba-haba ang proseso. Bukod sa susuyuin si Binibini, kailangan din ligawan ni Ginoo si Mommy at Daddy. Simpleng panliligaw ay hindi kaagad pumapasa, kailangang mapatunayan muna ni Ginoo na seryoso siya. Aakyat ng ligaw si Ginoo, maghaharana't bibigyan pa ng rosas si Binibini, ngunit hindi ganoon kadali, lulusot muna sa butas ng karayom bago makamtan ang maatamis na "OO' na siyang minimithi ng ginoo. Pakipot at isinasaalang-alang ang magulang bago pumasok sa isang relasyon ang dalaga noon. Minsa'y magulang pa ang siyang pumipili sa mapapangasawa ng kanilang anak na binibini.
Uso pa ba ang ligawan sa panahon ngayon? Marahil sa iba ay oo ngunit malimit na lamang itong ginagawa. Ang teknolohiya na nagpapadali, nagpapagaan at nagpapabilis ng gawain pati sa panliligaw ay napapadali na rin. Ang iba ay dinadaan na lamang sa facebook, text at online chat ang pakikipagrelasyon. Hindi na uso ang salitang pakipot, sasabihan lang ng lalaki na gusto niya si babae, bukas o makalawa mababalitaan na magkasintahan na pala.
Kung dati-rati'y si Mister lang ang nagbabanat ng buto sa pamilya, ngayon ay hindi na. Ayaw pahuli ni Misis at madalanang na lamang ang mga ginang na pumapayag na sa tirahan manatili at magalaga ng anak. Katwiran ni Misis, "Para saan pa't ako'y nakapagtapos kung hindi ko rin naman mapapakinabangan ang propesyon na natapos ko?" Ika nga nila, kung kaya ni Mister kaya rin ni Misis.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ang pagusad ng pag-uugali at kultura ng mga mamamayan partikular na ang mga kababaihan hindi man lahat ng pagusad ay nasa positibo, ngunti ika nga nila hindi magkakaroon ng negatibo kung walang positibo. Patunay lamang iyan na ang mga kababaihan ay unti-unting pumapantay sa kalalakihan.
ang galenggggg wowwwwiiiii kim namjoooon kim seokjinnn min yoongiii jung hoseokkkkk park jimin kim taehyungggg jeon jungkookkkk
ReplyDelete