Sabi ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag ika'y napaso. Sa kabila nang sabi-sabing ito ay hindi pa rin nadadala ang mga Pilipino. Siguro maaari nating sabihin na tayo ay nasa makabagong henerasyon at tulad ng wika, ang kultura rin ay dinamiko, nagbabago. Tunay ngang basag na ang kulturang kinamulatan ng ating mga ninuno, wala nang natira ni isa, ni sa maka-Diyos mang paraan.
Simulan natin sa ligawan. Hindi ba't wala pang karapatang maghawakan ng kamay hangga't hindi pa magkasintahan? Oo, iyan ang kalagayan noong panahon nina lolo at lola, subukan mo 'yang gawin ngayon ay ika't mapag-iiwanan. Nariyan na, hinawakan na ang kamay, saan kaya tutungo ang mga kamay na ito? Sa panahon ngayon, ultimo magkaibigan ay naghahawakan ng kamay, patay malisya man o mayroon-- ngunit noong araw, tila sagradong gawain ito.
Ang halik ay hindi basta-basta ibinibigay kung kani-kanino. Ito lamang ay ipinagkakaloob sa taong mahal natin tulad ng ating mga magulang, kaibigan at kasintahan. Ngunit may iba't ibang klase ng halik, sabi nga ay may pasupsop, pahigop-laway, pasipsip-suso, pasiil, paamoy at pasinghot. Kataka-taka na ang mga uri ng halik na ito ay masasaksihan sa mga taong hindi naman magkasintahan. Ang malala ay ginagawa pa ito sa lansangan. Nakahihiya, nakababastos, nakawawalang respeto lalo na sa babae-- ngunit bakit patuloy pa ring ginagawa gayong hindi naman ito ang itinuro ng ating mga magulang?
Kung mayroong isang pinaka sagradong bagay na ginagawa ang mag-asawa ay ang pagtatalik. Dito maaaring bumuo ng bata na siyang magsisilbing kasiyahan ng kaniyang mga magulang. Dito magkakaroon ng mas malalim na pagsasama ang mag-asawa. Oo, mag-asawa at hindi mag-syota o tamang magkasintahan. Hindi rin pinahihintulutan na magtalik ang hindi naman mag-asawa o ang may asawa ng iba. Ngunit kapansin-pansin ang pag-usbong ng mga maliliit na motel. Hindi naman talaga nakababastos ang motorist hotel ngunit dahil sa murang halaga at limitadong oras na paggamit ay inaabuso ito nga mga kabataan.
Diborsyo ang isa sa mga maiinit na isyu sa kasalukuyan. May mga relihiyon na hindi pumapayag na mag-diborsyo. Para saan pa nga bang nanumpa kayo sa harap ng alagad ng Diyos, alagad ng Diyos na nasusulat sa Bibliyang dapat sundin? Bakit babaliin at ipagsasawalang bahala at bisa? Ano pa ang silbi ng sagradong kasal sa mundo kung maaari naman palang makipag-diborsyo kung kailan mo gusto?
Diborsyo ang isa sa mga maiinit na isyu sa kasalukuyan. May mga relihiyon na hindi pumapayag na mag-diborsyo. Para saan pa nga bang nanumpa kayo sa harap ng alagad ng Diyos, alagad ng Diyos na nasusulat sa Bibliyang dapat sundin? Bakit babaliin at ipagsasawalang bahala at bisa? Ano pa ang silbi ng sagradong kasal sa mundo kung maaari naman palang makipag-diborsyo kung kailan mo gusto?
Ilan lamang ang mga nabanggit ko sa kulturang binasag ng ating henerasyon. Ang sakit isipin na tuluyan na nating nalimot ang pag-iigib ng tubig, pagbuhos ng laman ng arinola o mainit na tubig, ang pamamanhikan at pagpapahirap ng mga magulang bago tuluyang ipakasal ang anak, ang pagrespeto sa dignidad ng isang babae sa kaniyang pagka-birhen. Oo, wala na ang lahat ng ito, hayag na hayag ang pagkabasag ng kulturang pinundar ng ating mga ninuno.
No comments:
Post a Comment