LIGAYA
Sa mundong ating ginagalawan,
Likas ang taong makasalanan.
Ngunit isa rin bang kasamaan,
Mahalin ang kapwa kasarian?
Isinilang akong walang alam,
Sa magulong mundo ako'y mangmang.
Ngunit tila di' ko mapigilan,
Isang bawal na pagmamahalan.
Brusko kong katawan ay lumambot,
Sigaw ng buhok ko'y magpakulot.
Bigote ko'y nais ng lumipad,
Tungo sa kalayaang magladlad.
Aking daliri ay pumilantik,
Sabay sa indayog ng aking p'wit.
Saplot ni Eba ang aking damit,
Bagay sa kilay kong bagong ahit.
Lipad! Darna! Lipad! Taasan mo,
Bato ni Ding ngayon ay nasa'yo.
Sa ngayon ako na ay patungo,
Sundin ang tibok ng aking puso.
Swerte na kung ako ay mahalin,
Ng lalaking sigaw ng damdamin.
Bulsa ko man ang nais butasin,
Katas ng pag-ibig niya'y siyang hangin.
Kayraming hadlang sa'ming pag-ibig,
Tulad daw ng mantika at tubig.
Na sa kahit na ano pang halo mo,
Ay lalabas pa rin ang totoo.
Ang dalawang Tandang kailanman,
Ay 'di mangingitlog ng tuluyan.
Ang Tandang ay para sa Inahin,
Yun lamang at bawal ng kontrahin.
Ngunit paano itong nadarama,
Tila puso ko ay nadurog na.
Nais ko lamang maging masaya,
Sa piling ng aking sinisinta.
Ito na ba ang katotohanan,
Bakit tila sobrang sakit naman.
Wala akong ibang malapitan,
Hanggang sa sagot ay matagpuan.
Tumanga ako sa kalangitan,
Ako'y nagtanong sa kalawakan.
Ang naging sagot ng Inampalan,
Biglang nag-isip, tama nga naman.
Baklita ka mang maituturing,
Hindi pa rin dapat paiyakin.
Bagkus ay kaysarap mong mahalin,
At totoong magmahal ang Bading.
Iiyak mo lamang ng iiyak,
Bukas ikaw na ay hahalakhak.
Ito na lang ang iyong isipin,
Ang pang-unawa ay palawakin.
Kung tunay ka niyang minamahal,
Ang mundong ito ay di' sagabal.
Ipaglalaban ka, Oh! Ligaya,
Ang tanong ginawa nga ba niya?
Sa mundong ating ginagalawan,
Likas ang taong makasalanan.
Ngunit isa rin bang kasamaan,
Mahalin ang kapwa kasarian?
Isinilang akong walang alam,
Sa magulong mundo ako'y mangmang.
Ngunit tila di' ko mapigilan,
Isang bawal na pagmamahalan.
Brusko kong katawan ay lumambot,
Sigaw ng buhok ko'y magpakulot.
Bigote ko'y nais ng lumipad,
Tungo sa kalayaang magladlad.
Aking daliri ay pumilantik,
Sabay sa indayog ng aking p'wit.
Saplot ni Eba ang aking damit,
Bagay sa kilay kong bagong ahit.
Lipad! Darna! Lipad! Taasan mo,
Bato ni Ding ngayon ay nasa'yo.
Sa ngayon ako na ay patungo,
Sundin ang tibok ng aking puso.
Swerte na kung ako ay mahalin,
Ng lalaking sigaw ng damdamin.
Bulsa ko man ang nais butasin,
Katas ng pag-ibig niya'y siyang hangin.
Kayraming hadlang sa'ming pag-ibig,
Tulad daw ng mantika at tubig.
Na sa kahit na ano pang halo mo,
Ay lalabas pa rin ang totoo.
Ang dalawang Tandang kailanman,
Ay 'di mangingitlog ng tuluyan.
Ang Tandang ay para sa Inahin,
Yun lamang at bawal ng kontrahin.
Ngunit paano itong nadarama,
Tila puso ko ay nadurog na.
Nais ko lamang maging masaya,
Sa piling ng aking sinisinta.
Ito na ba ang katotohanan,
Bakit tila sobrang sakit naman.
Wala akong ibang malapitan,
Hanggang sa sagot ay matagpuan.
Tumanga ako sa kalangitan,
Ako'y nagtanong sa kalawakan.
Ang naging sagot ng Inampalan,
Biglang nag-isip, tama nga naman.
Baklita ka mang maituturing,
Hindi pa rin dapat paiyakin.
Bagkus ay kaysarap mong mahalin,
At totoong magmahal ang Bading.
Iiyak mo lamang ng iiyak,
Bukas ikaw na ay hahalakhak.
Ito na lang ang iyong isipin,
Ang pang-unawa ay palawakin.
Kung tunay ka niyang minamahal,
Ang mundong ito ay di' sagabal.
Ipaglalaban ka, Oh! Ligaya,
Ang tanong ginawa nga ba niya?
No comments:
Post a Comment