Banat
Ni: Angeline Espeso
(nakatutugon sa isang gawaing pang speaker sa isang seminar)
Hindi ito pamahiin pero nasa sa iyo ito kung paniniwalaan mo ito o hindi. Hindi rin ito bugtong ngunit madalas, mga tanong ito na sinasagot ng bakit. At mas lalong hindi ito ang tinatawag natin na salawikain na bagaman may tugma rin at pinagsamang tayutay at talinghaga ay mas malakas ang dating kaysa sa mga ito. Alam niyo ba kung ano ang tinukoy ko? Walang iba kundi ang banat (“kotable kowts”).
Halos lahat ng Filipino ay alam kung ano ang banat. Bukod kasi sa patuloy itong tinatangkilik dahil nakaaliw, ito rin ay umuunlad pa dahilan ng likas sa atin ang pagkamasayahin. Ano mga ba ang banat?
Hindi ito pamahiin pero nasa sa iyo ito kung paniniwalaan mo si Kuya sa kanyang mabubulaklak na pasubaling “hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila na bobo ako, may laman ang utak ko at ikaw lamang ang laman nito” at ‘yung “sabi nila, masama raw mag-asawa ng maaga, so, paano ba ‘yan gabi na edi pwede na!” Hindi rin ito bugtong na isang pahulaaan ngunit madalas ay mga tanong ito ni Boy pick up kay Neneng bakit.
“Boy pick up: Sabi ng teacher ko, kailangan ko raw ulit pag-aralan ang alphabet.
Neneng bakit: BAKIT??
Boy pick up: Kasi, everytime I recite it, I always miss U.”
Mas lalong hindi rin ito salawikain na may tugma at may dalawang pakahulugan din na literal at di-literal na kaisipan –“ kung ang science ay may conclusion, ang English ay may generalization, ang math ay may solution, ang puso ko, ikaw lang ang destination.” At higit sa lahat, ang banat ay pinagsamang tayutay at talinghaga na ginagamit din upang bigyang-diin ang isang kaisipan at damdamin ung kaya’t mas malakas ang dating ng “hindi ka ba nasaktan nang hinulog ka ng langit para sa akin?” at ng “rebisco ka ba? Kasi, kapag kasama kit, ang sarap ng feeeling ko” saka ng “namamalat na ang puso ko, paaano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo.”
Ngiti ang hatid sa atin ng mga banat pero may pagkakataon na mababanatan ka kapag hindi ka magaling dito o kaya ay natatapak ka na ng paa ng ibang tao.
Gamit na gamit ang banat sa panliligaw, may havey tulad ng “multo ka ba? Kasi, kapag nakikita kita, bumibilis ang tibik na puso ko.” Pero waley ka kapag gagamitin mo ay “para kang utot, tahimik pero malakas ang dating.” Kaya kapag hindi ito bumenta kasi corny at mais, nauuwi ito sa joke. Joke na pasimpleng nang-iinsilto, pasimpleng nagyayabang, pasimpleng epal lang pero nakapagpapangiiti pa rin. ‘’Wala namang ginawang pangit ang Diyos, kaso parang iba ang gumawa sa iyo‘’ eh ‘yung “ hindi ko sinsabing maganda ako, ang akin lang, PANGIT KA!” at sagutin mo ng “google ka ba? Kasi, ANG DAMI MONG ALAM!” ‘Yung pasimpleng “sssshhhhhssh! Wag ka ngang maingay, baka gusto mong takpan ko ang bibig mo ang bibig ko.” Wee? At hindi naman nagpahuli ‘yung “hindi nanman ako homework, pero why there are so many wants to take me home?” –anong saaaabeee? Siyempre kung merong pampakilig, pampatawa, at may pasimple. May pang-emote rin tulad ng “ang puso ko parang paminta, minsan buo, minsan durog” at ‘yung hinihiling na “sana sinusulat na lang ang feelings para madali tiong burahin.”
Ang banat, kahit hindi man ito direktang katulad ng pamahiin, bugtong, salawikain, tayutay at talighaga. Ang masasabi ko, ito ay pina-upgrade na version lamng ng mga ito dala ng paglipas ng panahon at ng sadyang malikhain ang mga Filipino. Nabago man ang gamit ng mga ito, nagbago ang bihis bilang banat ay nananatili pa rin dito ang kultura natin. ‘Yun nga lang, mas binibigyang halaga rito ang semantika kaysa sa tamang baralila. Gayunpaman, bilang bahagi na ng ating kultura, pakaisipin na lamang ang tamang paggamit nito at ng tamang paggagamitan nito dahil hindi lahat ng banat ay nakatutuwa, madalas, nakakikilg-haha babae eh.
No comments:
Post a Comment