Sa lahat po ng naririto, sa mga magulang, empleyado at sa ating mga panauhin ang ilaw ng ating mga tahanan. Mapagpalang araw po ang bati ko.
Hanggang saan nga ba ang magagawa ng mga kababaihan? Ito ang palaging tanong ng mga taong walang tiwala sa kakayahan ng mga babae?
Sa panahon ngayon,hindi na rin pahuhuli ang mga babae sa pagkakaroon ng mataas na tungkulin sa ating lipunan. Ayon na rin sa Republic Act No. 7192 na kilala ring Women in Development and Nation Building Act na pinagtibay noong 1992. Nabigyan ang mga babae ng kapangyarihan na pumasok sa mga kontratang may kinalaman sa legal at gawaing pangkabuhayan.
Dahil dito mas pinatunayan ng mga kababaihan na hindi lamang sa gawaing bahay sila magaling at maging sa ibang larangan sila rin ay may ibubuga. Narito ang ilan mga patunay. Kung dati mga lalaki lamang ang maaaring sanayin upang maging polis at sundalo ngunit sa panahon natin ngayon hindi na nagpapahuli ang kababaihan. Isa na rin sila sa nangangalaga ng ating kaligtasan.
Bukod pa rito kung babalikan natin ang kasaysayan ng Martial Law, isang babae rin ang naglakas loob upang buksan ang demokrasya sa Pilipinas. Siya ang dating Pangulong Cory Aquino,siya rin ang kauna-unahang babae na naging pangulo ng ating bansa.
Sa kabuuan,nararapat lamang na magkaroon ng pantay na pagtingin sa pagitan ng babae at lalaki. Sapagkat ang kasarian ay hindi batayan upang husgahan kung ano ang kayang gawin ng isang tao.
No comments:
Post a Comment