Sunday, October 9, 2011

Kultura kakambal na ng ating pagkatao

Sa klase natin sa Retorika kay Ginang Apigo ay tumatak sa aking isipan na ang ating kultura'y kakambal na ng ating pagkatao.

Paano? Simple lamang, unahin natin sa pagtanggap ninyo sa akin kahit na galing ako sa ibang kurso at nag-iisa lang akong iregular na studyante sa inyong klase ay hindi ko po naramdaman na iba ako sa inyo.

Nangangahulugan lamang na ang kaugalian pagdating sa magiliw na pagtanggap ng bisita ng mga Pinoy ay talagang namamayani pa rin sa ating pagkatao. Maging ang ating guro na si Ginang Apigo ay dala pa rin niya ang ugaling Pinoy. Mula sa pagiging magalang, mabait maunawain at mahinahon niya sa ating klase, masasabi kung bakas pa rin sa kanyang pagkatao ang kaugalian ating nakagisnan na.

Mga kaugaliang sadyang hindi na mawawala at magpapatuloy pa hanggang sa susunod na henerasyon. Samakatuwid ilang dekada man ang lumipas at dumaan sa ating buhay ay huwag natin kalimutan ang kulturang ipinamana pa ng ating mga ninuno. Bagkus ito'y ating panatilihin, paunlarin at mahalin hanggang sa huling hininga ng ating buhay.

1 comment:

  1. As claimed by Stanford Medical, It's indeed the SINGLE reason women in this country get to live 10 years longer and weigh 19 KG lighter than us.

    (By the way, it has NOTHING to do with genetics or some hard exercise and really, EVERYTHING around "HOW" they eat.)

    P.S, What I said is "HOW", not "what"...

    CLICK on this link to see if this quick test can help you release your real weight loss potential

    ReplyDelete