Sunday, October 9, 2011

Ang Tunay na Ako

Bakit mahalagang malaman natin ang tunay natin pagkatao? Bakit nga ba? Siguro'y kayo rin ay nagtatanong sa iyong sarili kung ano ka nga ba talaga?

Sa kilos, galaw at pananalita ng isang tao malalaman mo kung babae ba siya o bibinabae o di kaya naman tomboy. Na hindi na bago sa panahon natin ngayon pero hindi lahat ay hindi kayang gawin ang pagsasabi ng totoo at pagbubunyag na sila ay kabilang sa "homosekswal" na kasarian. Marahil mayroon silang dahilan kung bakit patuloy pa rin nilang inililihim at itinatago ang tunay na sila.

"Papatayin ako ng tatay ko kapag nalaman niya na bakla ako", ito ang karaniwang pahayag na naririnig ko sa mga kaibigan kung bakla sa tuwing gusto na nilang magpakatotoo. Bagay na talagang mahirap gawin lalong lalo na kapag pamilya muna ang nakasalalay. Ngunit hanggang kailan naman ito dapat itago kung mismong pagkatao mo ang naapektuhan.

Sadyang ang katotohanan ay kailan man ay hindi mo kayang baguhin at ito ay dapat tanggapin at panindigan. Bukod pa rito, ang kasarian ng isang indibiduwal ay hindi batayan upang ikaw ay magtagumpay. Kaya't nararapat lamang na igalang natin ang isa't isa at magpakatotoo tayo sa ating sarili sapagkat maikli lamang ang buhay kaya't samantalahin natin ang pagkakataon.

1 comment:

  1. Sadyang ang katotohanan ay kailan man ay hindi mo kayang baguhin at ito ay dapat tanggapin at panindigan "YOU CANT HIDE WHAT IS DESIGN" Sakit.info\

    ReplyDelete