Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para mahalin at hindi para saktan. Ito ang karaniwang pahayag ng kababaihan sa tuwing makakarinig sila ng pang-aabuso at pananakit sa kapwa natin mga babae.
Maraming balita na ang nagsusulputan tungkol sa pang-aabuso ng mga taong walang pusong nilalabag ang karapatang pantao. Mula sa pagiging katulong ay lalo pang minamaltrato ng kanilang amo. Imbes na alagaan ang kanyang kabiyak ay sinasaktan pa niya ito sa tuwing hindi niya ito bibigyan ng pang-inom ng alak at pangsugal.
Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan na nangyayari sa ating lipunan. Pero ganun pa man lagi natin isaisip ang katagang "Walang mang-aapi, kung walang mag-papaapi. Kaya mga kababayan ko, nawa'y suportahan po ninyo ang aming programang naglalayong labanan ang mga salot sa ating lipunan, na walang ibang alam gawin kung hindi saktan ang walang kalaban laban.
Nawa'y ang araw na ito ay magsilbing daan upang tayong lahat ay magkaisa at magmahalan upang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ang bawat isa, lalong lalo na ang kababaihan.

No comments:
Post a Comment