Saturday, October 8, 2011

........Neneng........

ni: Sarah F. Faulve

Neneng ito ang tawag nila sa akin.
Tawag ng lahat ng taong nakakakilala sa akin.
Kahit hindi nila ako kilala.
Pangalang neneng pa rin ang sinasabi nila.
Yan ang tawag nila s akin.

Minsan naisip ko, bakit ng ba neneng?
Bakit neneng ang tawag nila sa akin?
Ito ba ang sumisimbolo ng aking kasarian?
Ito ba ay sumisimbolo ng aking pagkabata?
O sumisimbolo ng aking pagiging inosente?

Inosente, inosente o walang alam ang turing nila.
Sunod dito, sunod doon ang gawain ko noon.
Dahil sa walang alam si neneng,ganoon nalang nila abusuhin?
Bakit nga ba inaabuso si neneng?
Neneng na walang alam at isang babae lamang?

Ngunit ngayon si neneng ay hindi na ganun.
Neneng na may alam na sa mundo.
Mundo na pinaiikutan ng ibat- ibang tao.
Taong nang aabuso sa kakayahan ni neneng.
Neneng na iisang babae lamang noon.

Babaeng puno at umaapaw ng kaalaman.
May pakialam s mundo ng lahat.
May obligasyon sa mundong kanatitirikan.
May pagmamahal sa mundo.
May katapatan sa mundo!

Ano ang Kahulugan ng "Kanina"?

ni: Judcee Mae Dijos


Kanina: marunong kang mangharana…pero ngayon sa text idinadaan ang pagporma. Kanina: nagmamano si apo…pero ngayon dinadaan-daanan na lang si lola. Kanina: lahat ay sabay na kumakain… ngayon nagkakanya-kanya. Kanina: ang bihis ni Maria Clara ay hanggang sakong…ngayon ay parang wala na. Oo wala na. Panis na yata ang ating maiinam na gawa. Kasama nang nailibing ng ating mga ninuno ang tunay at dalisay nating kultura.


Kailangan pa ba itong problemahin? Sino ang dapat sisihin?


Sa makabagong panahong ito, maraming bagay ang nakaaapekto kung bakit nagiging iba ang anyo ng ating kaugalian. Nariyan ang mga taga-kanluranin; ang media; ang nakauubos-oras na mga teknolohiya anupat wala na tayong panahon sa mahahalagang bagay, sa mahahalagang tao at sa pagpapatibay ng pamilya. Ang iba naman ay isinisisi ang lahat ng ito sa mismong pagdaan ng panahon.

Ang panahon daw ang magtatakda ng lahat. Idadahilan ng iba na iyon naman ang uso. Wala raw dapat ikabahala gayong natural lang daw ang mga ito. Kung anong ginagawa ng karamihan, iyon na rin daw ang magiging pangmalas mo.


Pero hindi natin kailangang maging bukas sa lahat ng pagbabago.


Ang pag-ikot ng mundo ay hindi nangangahulugang paglimot sa kung sino ang kaaya-ayang “tayo”. Hindi ang bawat paglipat ng pahina ng kalendaryo ang magtatakda ng sariling tama at mali. Hindi ang pagdating ng bagong araw at pagtatapos ng bawat gabi ang magpapangyaring abandonahin natin ang magagandang asal natin. Hindi ang pagpatak ng bawat segundo ang maghuhudyat ng pagbaluktot sa katwiran kahit ang pananaw ng ilan ay:


“Ang oras at panahon ang makapagsasabi kung ano ang magiging katanggap-tanggap sa lipunan sa hinaharap. Ito ang papanday kung tayo’y magiging mapanuri o magiging mababaw sa paraan ng pagpili natin sa susunod na mga araw.”


Gayunman, hindi ba’t walang ama ang papayag na masungkit ang kanyang prinsesa sa pamamagitan lang ng isang elektronikong kagamitan; Magkaroon man siya ng apo, hindi niya nais na ang batang iyon ay hindi magmano. Walang mga anak ang may nais na mag-isa sa hapag. Walang dilag na hindi gustong maging maganda sa paraang kagalang-galang rin naman.


Lahat tayo inaasam ang isang lipunan na maligaya, kung saan masasapatan ang lahat ng ating kailangan ng hindi naikokompromiso ang mataas na pamantayang moral.


Hindi lang ang iba’t-ibang relihiyon, politika at mga artista ang may isyu. Nanganganib na ang ating kultura. Ibalik natin ang “kanina” – kung sino ang kaaya-ayang “tayo”.


Kung sino tayo kanina ay nagbago na kung sino tayo ngayon. Gamitin natin ang “panahon” hindi upang kunsintuhin ang maling mga pagbabago. Oo, hindi upang kunsintihin ang maling pagbabago.


Huwag nating hahayaang tayo ang baguhin ng panahon. Sa halip, tayo ang kanyang magiging panginoon. Huwag nawang maniwala sa tadhana na siyang nakahahandlang sa ating pagsulong. Ang pagsamba sa “tadhana” ang unti-unting maghahain ng bagong putahe sa ating hapag; unti-unti nitong ipakikilala sa atin na dapat na nating tanggapin na wala na tayong pag-asang ibalik ang ating mabubuting asal “kanina” – may pagsuyรณ, pagkamagalang, pagpapahalaga sa pamilya at kahinhinan. Kung naniniwala ka sa tadhana, tinatanggap mo na wala ka nang magagwa at na hindi mo na kayang baguhin ang mga pangyayari kung paanong ang taho ay sa umaga lang at ang balut ay sa gabi.


I have to tell you this men ! ni Shara Perez


Pamilyar ka ba sa joke na to ?

Waiter: can I have your order sir ?
Pilipino: no !! binayaran ko yun tas kukunin mo lang  !

At eto pa

Host: okay Ms. Philippines im going to ask you a question but first are you nervous ?
Ms. Philippines: no im not ! thank you mabuhay ! (sabay talikod)
Host: no wait ! wait that is not the question !

Natawa ka no ?! aminin man natin o hindi ang pagsasalita natin ng ingles ay lubhang nakaimpluwensya sa ating kultura . Ang pagsasalita nito ay syang naghahambing at nag gugrupo sa antas n gating buhay.

Ikaw nga isalin mo ang “every bill passed by the congress shall embrace only one subject which shall be expressed in the title thereof” sa tagalog , sa harap ng maraming tao ng walang tigil ?! ang un among mararamdaman pag nagawa mo ito ng tama ay ang pagmamalaki. Pano ba naman ah hahanga sayo ang makakarinig nito , pero pag hindi mo ito nagawa ng tama ihanda mo na ang tenga mo sa malulutong na tawa ng nakapaligid sayo. Miske sila hindi rin alam kung pano ito bibigkasin o isasalin pero dahil sa nakatunog silang mali ito at tatawanan na lamang kunware alam nila ang tama. Maniniwala ba kayo na kahit beauty queen ay markado sa pagsasalita ng mali na ingles ?...malin pero nagagawa nating tumawa dahil sa nasa kultura naitn tawanan ang malli ng iba … dala na rin siguro ng kahihiyan kalaunay ginawa na lamang itong katatawanan.

Ang mababang tingin ng mga dayuhan sa ating kultura ay bunga rin n gating kaugaliang tawanan ang mali ng iba …sa madaling salita tayo mismo ang naglagay sa ating mga sarili sa tugatog ng pagkakapahiya ,mantakin mong tawanan ang kalahi nya ?!

Hindi sinasabi ng akdang ito na mawala ang pagiging masayahin natin kundi matuto tayong ilagay sa sitwasyon ang pagtawa .hindi lang sa matataas na tao pati na rin sa iba. Respeto ang bumubou sa isang matibay na bansa.

Salot ni Jeremhae Agoncillo

     (Sanaysay na Pampulitiko)


     Ipinanganak ako sa marangyang pamilya. Lahat ng gusto ko ay akin nakukuha. Isang sabi ko lang kay ama noong ako'y bata pa agad niya itong ibinibigay ng walang pagdududa. 


     Isang araw paggising ko ang lahat ng luho na kinalakihan ko ay nawala na lamang na para bang bula. Ang dating mansyon na tinitirhan ay naging barung-barong na lamang. Kasabay ng pagkawala ng amin luho ay ang pagkamatay ni ama at ang pagkalugi ng negosyo niya na nagiwan sa amin ni ina ng kawalan ng pag-asa. 


     Hayskul ako ng nangyari ang itinuturing kong bangungot ng buhay ko. Mabuti na lamang at madiskarte si ina na nagtrabaho sa salon bilang manikurista. Malapit si ina sa mga bakla, kahit noon kami pa ay marangya itinuturing niya silang kaibigang matapat ngunit palaban. Ang pagiging malapit ni ina sa mga bakla ang siya naging dahilan upang mapalapit din ako sa kanila.


     Pagkagaling sa eskuwelahan ako'y dumidiretso sa salon upang tumulong sa sa akin ina at kapag bakasyon ako'y nagtatrabaho upang makatulong sa mga gastusin. Ang pangaraw-araw na gawain namin ni ina ay bigla na lamang nagbago nang dumating sa buhay niya ang lalaking ipinalit niya sa akin ama. Sa simula siya'y mabait, at maasikaso sa amin. ngunit ng lumaon tila naginit ang kanyang dugo sa akin at kapag nakikita niya ako para bang nasisira ang araw niya. Lagi niya ako minamaltrato. Malambot daw ako, at ayaw niya sa mga malalambot. Walang nagawa ang akin ina na nagbigay sa akin ng dahilan upang lisanin ang tirahan na iyon at tumira na lamang sa mga kaibigang bakla ni ina. 


     Napalapit sa akin ang mga bakla. Unti-unti ako nagbabago sa kanila. Kung dati ako'y brusko at macho, ngayo'y marunong nang gumewang at gumigiling kung maglakad. Ang maikli kong buhok ay humahaba at ang pananamit ko ay hindi na tulad ng dati. Ako'y naglalakad sa eskinita ng makita ako ng syota ng akin ina, ako sana'y kanyang hahampasin ngunit sa kabutihang palad, napangunahan ko siya ng takbo. Sumisigaw siya habang ako'y tumatakbo at ang sabi niya, "Ayoko sa lahat ay iyong bakla, sabi ko na nga ba't isa ka rin sa kanila!! Mga SALOT KAYO!! SALOT!! Huwag ka ng magpapakita pa't baka mapatay kita!!!!" 


     Masakit bilang kauri sa pangatlong kasarian ang makarinig ng mga masasakit na salita. Ang hindi kami matanggap ng amin lipunang ginagalawan. Sa bawat paglabas at paglakad ko ako'y nahihiya. Napapaisip ako kung ano ang iniisip nila sa akin kapag ako'y kanilang nakikita o kaya naman ay nakakasalubong sa kalsada. Tama ba ang ginawa kong paglaladlad? Isa ba itong kasalanan? 


     Nang lumaon ay napawi ang pagdududa at panghihinayang aking nadarama. Sumikat si Vice Ganda na siyang nagsilbing inspirasyon namin mga bakla. Naging matapang ako. Hinarap ko ang lipunan at hindi ko ikinahiya ang pagbabago ko ng kasarian. Saludo ako kay Vice Ganda na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagbago kahit papaano ang tingin sa amin mga bakla. Unti-unti na kami natatanggap ng lipunan, hindi man lahat ngunit sapat na sa akin na malaman na ang mga katulad namin ay may mapapatunayan. Ipinagmamalaki ko kung ano at sino man ako ngayon. Hangga't wala akong ginagawang mali at immoral, alam ko kung saan ako lulugar. Hindi mali ang mapabilang sa ikatlong kasarian, ang mali ay ang pumatol sa kaparehas mong kasarian. Ang pagiging beki at tibo ang isa sa nagpapatunay na kami ay ang taong nagpapakatotoo at talagang tao. Hindi kami tao na nagpapanggap lamang na tao.
  
     Ako ngayon ay nakatayo sa inyong harapan, upang ipaalam ang pagnanais kong itayo ang bandera namin mga nasa ikatlong kasarian. Hindi lamang pagtaas ng bandera at pagbabago ng tingin sa amin ng lipunan ang aking hangad. Hangad ko rin ang pantay na pagtingin. Babae o lalaki, bakla man o tomboy, ayokong may naaapi at nais kong tanggalin ang diskriminasyon sa lipunang ito. 


     Salot man kami sa inyong paningin, kaming mga salot ay may maipagmamalaki rin. Hindi lang siguro ngayon, ngunit alam kong darating din ang araw na iyon. Ayoko ng puro pangako, dahil iyon ay laging napapako. Kikilos ako, papatunayan kong may ibubuga rin ako. 


     Muli, ako'y nagpapasalamat at magandang araw sa inyo! 

Panunuyo ni Juan noon at ngayon


Sinasabing malaki na talaga ang pinagbago ng panahon, noon at ngayon yan ang laging pinaghahambing sa maraming aspeto.Pati ba sa aspeto ng pag-ibig ay nagkaroon na rin ng pagbabago?Paano naman ito nagkaroon ng kaibahan sa panahon noon at ngayon?


Noon si juan ay napaka-sipag kung manuyo ni Juan sa binibining kanyang napupusuan.Laging dumadalaw sa bahay ni dalaga, masuyong hinaharana ng malalambing na awitin.Sya rin ay gumagawa ng mga sulat na laman ang masuyo nyang pag-ibig para lamang sa dalaga kasabay nito ang bulaklak na talaga namang gustung-gusto ng kanyang sinusuyo.Kasama sa nililigawan ang mga magulang, handang magpaalila marinig lang ang matamis nyang ''oo''.Dito mo mapapatunayan ang tapat nyang panunuyo at wala ng iba kundi isa lamang sa puso nya ang dalaga.Ganyan manuyo si Juan matyaga,masipag,magalang,malambing,tapat, at higit sa lahat ay kakayaning gawin para sa lang mapatunayang tunay,tapat, at totoo ang kanyang pag-ibig para sa minamahal nyang binibini.Kontento na sya sa kanyang nag-iisang iniibig at wala ng pakialam pa sa ibang babae sa paligid kahit pa mas maganda pa ito sa kanyang sinusuyo.


Ngayon naman si Juan ay naging moderno ibang istilo ang gamit sa panliligaw.Wala ng harana hindi na daw kasi uso, wala ng ''love letter'' ang baduy na daw kasi, hindi na dumadalaw sa bahay upang magpaalam sa magulang ng dalaga na sya ay manliligaw, hindi pa raw naman sya sinasagot e bakit sya magpapakilala, wala na ring bulaklak na ibinibigay kundi mabulaklak na lamang na pananalita para mapasagot ang nililigawan.Ganito na ang paraan nya sa panliligaw ngayon gamit ang ''cellphone'' magte-text lang sya at magtatanong kung pwede ba manligaw at dito na rin nya sasabihin ang ''pagmamahal'' nyang tinatawag sa dalaga.Pagkatapos ng ilang araw at nabola nya ang dalaga ay instant may syota na sya kung tawagin ng mga kabataan ngayon pinaikli ng salitang ''short time''.Ang dating tapat na si Juan ay naging bolero na hindi lamang sa isang dalaga nanliligaw kundi may iba pa.Hindi sya kontento na isa lang ang syota, katuwiran nya mas marami mas maganda at mas mapapatunayan nya ang kakisigan nya bilang lalaki.


Talagang iba na talaga ngayon alinsunod ng pagbabago at pag-unlad ng mundo ay ang pagbabago na rin ng pag-uugali ng mga tao sa panahon ngayon.Ang dating mapanuyo at matyagang si Juan ay naging mainipin at bolerong manliligaw na ngayon.Sana dumating ang araw na ang dating si Juan ay manumbalik na upang ang mga kababaihan ay hindi na luluha at sila ay tapat ng mamahalin ng kanilangl kasintahan na mahal nilang tunay.Ang kababaihan ay hindi dapat pinaglalaruan at pinaluluha bagkus kami dapat ay minamahal,inaalagaan, at iniingatan ninyong mga kalalakihan.