Thursday, September 8, 2011

MEDUSA ni Benilda S. Santos


Siya na nakapantalon
at mainit ang hininga
inihiga ako sa gilid ng mundo
at tiningnan nang tiningnan

hanggang sa mangalisag
ang aking buhok
at sa tinding galit at takot
maging ahas ang bawat isa sa kanila
gutom na gutom
sa lasa ng laman
ng labing may pawis ng pagnanasa

hanggang sa madurog
ang aking puso
at sa di mapatid na sakit at pait
maging bato ito
malamig na malamig ang pintig

ngayong lupang latag na latag na
ang aking katawan
sa ilalaim ng malulupit mong talumpakan
ikaw naman ang aking titingnan nang titingnan

hanggang sa matuyo ka sa apoy ng aking mga mata
at sipsipin ng bawat ahas kong buhok
ang bawat patak ng dugo sainyong mga uga
at masimot ang kaliit-liitang kutob ng buhay

Namamangha ka sa liyab ng aking higanti?
Ay! Ikaw ang guro ko't hari at lalaki

4 comments:

  1. What is the meaning of the poem? Is it a feminist poem?

    ReplyDelete
  2. Ang Wikang Katutubo Tungo sa Bansang Filipino

    Sariling wika'y kailangan pahalagahan at pag aralan. Ibat ibang wika'y may ibat-ibang pagkakakilanlan. Ngunit ano kayang mangyayari kapag sariling wika'y tinalikuran at banyagang wika'y pinag aaralan? Maituturing bang pagiging traydor ang pagtalikod sa sariling wika? Siguro nagtataka kayo kung bakit ko natananong ang mga yan kasi may alam akong isang bansa na para bang kanilang sariling wika'y kinalimutan at oo tama kayo kung pareho tayong iniisip ito ay ang bansang pilipinas. Isang lugar na unti unting nalilimutan ang kanilang pagkakakilanlan, pagkakilanlan na sila'y pilipino at hindi isang dayuhan sa sarili nilang bayan. Hindi mo man ipagkaila ngunit isa karin sa tumatangkilik sa mga banyagang wika minsan nga mas madalas nyo pa kabisahin ang ibang wika kisa sariling atin. Ganyan na ba talaga tayo isang bansang may ibat-ibang wikang ginagamit. Mahirap bang pag aralan ang atin? Kayat ang hindi atin ang ating tinatangkilik. Nakalimutan nyo na ba na pinaglaban ng ating mga bayani ang ating bayan uoang magkaroon tayo ng isang pagkakakkilan lan at kalayaan, ngunit bakit anong nangyayayri ngayon para bang kinakalimutan na natin ang mga sakripisyo na inalay nila nung panahon pa ng digmaan. Isang digmaan na ang gamit lang natin ay plema at panulat na kung saan tayo'y nakipagdigmaan bg walang sandata at tanging mga letra lamang ang ginamit upang kalaba'y mapatumba. Hindi ba kayo nagtataka unti unti nanaman tayong sinasakop ng mga dayuhan hindi yung sakop na may mangyayayring digmaan ngunit ito yung sakop na ating dapat iwasan kasi iyong isipin na parang bansang pilipinas ay hindi na atin. Wikang katutubo'y unti unting nawawala at banyagang wika'y pinagyayaman ganyan ba dapat ang ating gawin? Imbis na sariling atin ay ingatan para bang ito'y kinakalimutan. Ating baguhin mga nakasanayan kailangan magkaisa at iligtas ang bayan halina't magsama sama para mga dayuha'y mapuksa at sariling ati'y lumaganap.

    ReplyDelete
  3. Ang Wikang Katutubo Tungo sa Bansang Filipino

    Sariling wika'y kailangan pahalagahan at pag aralan. Ibat ibang wika'y may ibat-ibang pagkakakilanlan. Ngunit ano kayang mangyayari kapag sariling wika'y tinalikuran at banyagang wika'y pinag aaralan? Maituturing bang pagiging traydor ang pagtalikod sa sariling wika? Siguro nagtataka kayo kung bakit ko natananong ang mga yan kasi may alam akong isang bansa na para bang kanilang sariling wika'y kinalimutan at oo tama kayo kung pareho tayong iniisip ito ay ang bansang pilipinas. Isang lugar na unti unting nalilimutan ang kanilang pagkakakilanlan, pagkakilanlan na sila'y pilipino at hindi isang dayuhan sa sarili nilang bayan. Hindi mo man ipagkaila ngunit isa karin sa tumatangkilik sa mga banyagang wika minsan nga mas madalas nyo pa kabisahin ang ibang wika kisa sariling atin. Ganyan na ba talaga tayo isang bansang may ibat-ibang wikang ginagamit. Mahirap bang pag aralan ang atin? Kayat ang hindi atin ang ating tinatangkilik. Nakalimutan nyo na ba na pinaglaban ng ating mga bayani ang ating bayan uoang magkaroon tayo ng isang pagkakakkilan lan at kalayaan, ngunit bakit anong nangyayayri ngayon para bang kinakalimutan na natin ang mga sakripisyo na inalay nila nung panahon pa ng digmaan. Isang digmaan na ang gamit lang natin ay plema at panulat na kung saan tayo'y nakipagdigmaan bg walang sandata at tanging mga letra lamang ang ginamit upang kalaba'y mapatumba. Hindi ba kayo nagtataka unti unti nanaman tayong sinasakop ng mga dayuhan hindi yung sakop na may mangyayayring digmaan ngunit ito yung sakop na ating dapat iwasan kasi iyong isipin na parang bansang pilipinas ay hindi na atin. Wikang katutubo'y unti unting nawawala at banyagang wika'y pinagyayaman ganyan ba dapat ang ating gawin? Imbis na sariling atin ay ingatan para bang ito'y kinakalimutan. Ating baguhin mga nakasanayan kailangan magkaisa at iligtas ang bayan halina't magsama sama para mga dayuha'y mapuksa.

    ReplyDelete