Wednesday, September 28, 2011

" Tagumpay " ni Larry Anthony R. Gameng

Ang kasarian ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at mga babae. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na lamang lalaki at babae ang tinutukoy ng salitang kasarian.Ksama na sa tinutukoy nito ang mga bading at tomboy.

Ang mga bading ay mga lalaking nais maging mga babae. Ngunit marami ang sakanila ay mga slot kung ituring dahil raw babae at lalaki lang daw ang ginawa ng panginoon kaya’t sila’y walang lugar para sa mundong ito. Ngunit sa kabila ng mga pangtataboy sakanila ay patuloy parin silang namumuhay ng masaya at malaya, bakit nga naman natin sila ituturing na salot kung wala naman silang masamang naiidulot sa kanilang mga kapwa nila tao at sa lipunan.

Marami na ang mga bading na sikat at yumaman dahil sa kanilang angking sipag at talento.Nariyan si Vice Ganda na sumikat dahil sa kanyang pagpapatawa sa mga mamamayang Pilipino, si Joel Cruz na sobrang yaman dahil na rin sa sipag at tiyaga niya ipinuhunan niya sa kanyang sariling linya ng pabango,si Fanny Serrano sa larangan ng pagmemake-up,Rene Salud sa larangan ng fashion designing, Lino Brocka sa larangan ng pelikula. Ilan lamang sila sa mga bading na naging matagumpay dahil hindi nila sinukuan ang mga pangmamata at mga hamon sakanilang buhay.

No comments:

Post a Comment