Friday, September 30, 2011

parisukat

parami ng parami
'di naman nanganganak
ang kanilang lahi'y
unti-unti ng natatanggap

ang mga malalakas noon
ay si maganda ngayon
at sa paglipas ng panahon,
nawala ang diskriminasyon

sa unang tingin,
'di natin agad mapapansin
ang kanilang tindig at dating
ay tila sa tunay na lalake na rin

ang lalake ay matatapang,
babae ay siyang ginagalang
ito ba ay gagayahin na lang
o payayabungin ng ikatlong kasarian?

sino ka man at ano pa man?
lahat tayo ay may karapatan.
tulad ng isang parisukat,
tayo ay pantay-pantay lang.

No comments:

Post a Comment