Sunday, October 9, 2011

Ang Tunay na Ako

Bakit mahalagang malaman natin ang tunay natin pagkatao? Bakit nga ba? Siguro'y kayo rin ay nagtatanong sa iyong sarili kung ano ka nga ba talaga?

Sa kilos, galaw at pananalita ng isang tao malalaman mo kung babae ba siya o bibinabae o di kaya naman tomboy. Na hindi na bago sa panahon natin ngayon pero hindi lahat ay hindi kayang gawin ang pagsasabi ng totoo at pagbubunyag na sila ay kabilang sa "homosekswal" na kasarian. Marahil mayroon silang dahilan kung bakit patuloy pa rin nilang inililihim at itinatago ang tunay na sila.

"Papatayin ako ng tatay ko kapag nalaman niya na bakla ako", ito ang karaniwang pahayag na naririnig ko sa mga kaibigan kung bakla sa tuwing gusto na nilang magpakatotoo. Bagay na talagang mahirap gawin lalong lalo na kapag pamilya muna ang nakasalalay. Ngunit hanggang kailan naman ito dapat itago kung mismong pagkatao mo ang naapektuhan.

Sadyang ang katotohanan ay kailan man ay hindi mo kayang baguhin at ito ay dapat tanggapin at panindigan. Bukod pa rito, ang kasarian ng isang indibiduwal ay hindi batayan upang ikaw ay magtagumpay. Kaya't nararapat lamang na igalang natin ang isa't isa at magpakatotoo tayo sa ating sarili sapagkat maikli lamang ang buhay kaya't samantalahin natin ang pagkakataon.

Pagmamahal ang dapat ialay sa Kababaihan

Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para mahalin at hindi para saktan. Ito ang karaniwang pahayag ng kababaihan sa tuwing makakarinig sila ng pang-aabuso at pananakit sa kapwa natin mga babae.

Maraming balita na ang nagsusulputan tungkol sa pang-aabuso ng mga taong walang pusong nilalabag ang karapatang pantao. Mula sa pagiging katulong ay lalo pang minamaltrato ng kanilang amo. Imbes na alagaan ang kanyang kabiyak ay sinasaktan pa niya ito sa tuwing hindi niya ito bibigyan ng pang-inom ng alak at pangsugal.

Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan na nangyayari sa ating lipunan. Pero ganun pa man lagi natin isaisip ang katagang "Walang mang-aapi, kung walang mag-papaapi. Kaya mga kababayan ko, nawa'y suportahan po ninyo ang aming programang naglalayong labanan ang mga salot sa ating lipunan, na walang ibang alam gawin kung hindi saktan ang walang kalaban laban.

Nawa'y ang araw na ito ay magsilbing daan upang tayong lahat ay magkaisa at magmahalan upang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ang bawat isa, lalong lalo na ang kababaihan.

Kultura kakambal na ng ating pagkatao

Sa klase natin sa Retorika kay Ginang Apigo ay tumatak sa aking isipan na ang ating kultura'y kakambal na ng ating pagkatao.

Paano? Simple lamang, unahin natin sa pagtanggap ninyo sa akin kahit na galing ako sa ibang kurso at nag-iisa lang akong iregular na studyante sa inyong klase ay hindi ko po naramdaman na iba ako sa inyo.

Nangangahulugan lamang na ang kaugalian pagdating sa magiliw na pagtanggap ng bisita ng mga Pinoy ay talagang namamayani pa rin sa ating pagkatao. Maging ang ating guro na si Ginang Apigo ay dala pa rin niya ang ugaling Pinoy. Mula sa pagiging magalang, mabait maunawain at mahinahon niya sa ating klase, masasabi kung bakas pa rin sa kanyang pagkatao ang kaugalian ating nakagisnan na.

Mga kaugaliang sadyang hindi na mawawala at magpapatuloy pa hanggang sa susunod na henerasyon. Samakatuwid ilang dekada man ang lumipas at dumaan sa ating buhay ay huwag natin kalimutan ang kulturang ipinamana pa ng ating mga ninuno. Bagkus ito'y ating panatilihin, paunlarin at mahalin hanggang sa huling hininga ng ating buhay.

Kinagisnang kaugalian,bahagi ng ating kultura

Pagtulong sa kapwa ay hindi masama
Pagkat ito'y galing sa puso ika nga
At lalong pang nakakatuwa
Kung ang tutulungan mo'y isang kaawa-awa

Diba nga't kay sarap pagmasdan
Kung ang kapwa mo ay nagtutulungan
Kahit saan man dako ito mangyari
Pag-ibig ang siyang namamayani

Kung ikaw ay tutulong sa iyong kapwa
Walang mayaman, walang dukha
Sa pagka't lahat tayo ay pantay pantay
Maging kakampi man o kaaway

Oh, ang tinutulungan mo ay masayang masaya
Dahil ang kailangan nila ay naibigay muna
At ito'y hindi nila malilimutan
Ngayon at magpakailan pa man.

Swerte nga ba o Malas? (ni Janice D. Dulay)

Sabi nila kapag nanalo ka raw sa lotto ay swete ka raw, eh paano naman kaya kung natalo ka? Eh di ibig sabihin malas ka. Hay naku ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang swerte at malas sa buhay ng isang tao?

Marahil kayo rin ay nagtatanong sa inyong sarili na bakit lagi na lang may hadlang para magawa ang gusto mo. Siyempre isa na ako dito, lagi kasing problema ang dumarating sa buhay ko. Problemang para bang walang katapusan. Wala naman akong balat sa puwet pero puro kamalasan pa rin ang dumarating.

Kailan kaya ako magiging swerte ulit? Ayan ang lagi kung sinasabi sa tuwing makakaranas ako ng mga pagsubok na lubos na nakakaapekto sa aking buhay. Ngunit sa tuwing makakakita naman ako ng mga bata sa lansangan, na walang tsinelas, maayos na damit at tirahan. Naiisip ko na maswerte pa rin pala ako sa kanila.

Sa pagkakataong ito napagtanto ko sa aking sarili na ano man ang maging katayuan mo sa iyong buhay, maging mayaman, mahirap o kaya naman maging Presidente ka pa ng Pilipinas ay hindi ka pa rin ligtas sa mga ibat-ibang uri ng suliranin. Pagsubok na walang katapusan na hanggat nabubuhay ka ay darating at darating ito sa iyo.

Subalit dumating man ito ng dumating sa buhay mo. Huwag mo itong talikuran at takasan bagkus gawin mo itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang laban at pag-asang magtagumpay balang araw.

Saturday, October 8, 2011

"Bata pa si nene, Masipag na"

Ni: Sarah F. Faulve

Bata pa si nene, Masipag na! Yan ang turing ko sa aking sarili. Masipag na sa pagtratrabaho kahit nene palang. Nag simula akong maging masipag noong ako ay nasa sekondarya pa lamang. Noon ang nasa isip ko lamang ay kasiyahan lang ang pagtratrabaho kaya nag paepal ako sa ninong at ninang ko na may pinagkakakitaan na paglilibro. Pagpunta sa mga kumpanya na may dalang dalawang bag ng sampol na may pitong libro o isang set, na kahit maliit pa ako ay nagbubuhat na ako ng ganoong mga bagay. Maraming nagsasabi sa akin noon na; "ne ang sipag mu naman, kahit bata kapa ay masipag kana". Noon kapag nakakatanggap ako ng ganoong papuri sa napapangiti ako at natutuwa. Kaya iyon ang nagsilbing inspirasyon sa akin upang ipagpatuloy ang ganoong gawain dahil kapag nagtratrabaho daw ay masipag ang isang istudyante. Hanggang sa ito ay nagtagal at si nene ay nagpatuloy sa kanyang pagtratrabaho hanggang sa siya ay makapagtapos ng sekondarya.

Sa pagtatapos ko ay naisip namin ng aking mga
kaibigan na huminto muna at kami ay magtrabaho muna at tuamagal ito ng dalawang taon. Ngunit naisip ko na parang napagiiwanan na ako ng panahon dahil hindi ako nakakapag aral kaya ako ay kumuha ng eksaminisasyon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ako naman ay pinalad at nakapag aral, ngunit hindi doon nag tatapos ang kwento ng masipag na si nene. habang siya ay nagaaral ay nagtratrabaho din siya. Alam ni nene na malaking epekto nito sa buhay niya dahil maapektuhan nito ang kanyang pagaaral. Kaya kapag dumating ang mga araw na kailangan ni nene ang mag ensayo ng mga bagay na dapat gawin sa mga asignatura ay mahirap niya itong tugunan, may ilang nagsabi sa akin na " hindi daw excuse ang pagtratrabaho ko", doon sumama ang loob ko sa taong nagsabi sa akin noon. Mayroon din nagsabi sa akin na dapat ko raw tumbasan ng magandang greyd ang aking mga iskolar ngunit paano ko iyon magagawa kung ako ay naghahanap buhay habang nagaaral? Kailan kaya nila maiintindihan ang aking ginagawa! Kailan?

ANG MAGANDANG PAROL ni José Corazón de Jesús.

Isang papel itong ginawa ng lolo
may pula, may asul, may buntot sa dulo; 
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na ito’y makikita ninyo.

Sa aming bintana doon nakasabit 
kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid, 
at parang tao ring bago na ang bihis 
at sinasalubong ang Paskong malamig.

Kung kami’y tutungo doon sa simbahan 
ang parol ang aming siyang tagatanglaw, 
at kung gabi namang malabo ang buwan 
sa tapat ng parol doon ang laruan. 

Kung aking hudyatin tanang kalaguyo, 
mga kapwa bata ng pahat kong kuro, 
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
“Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”

Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon, 
sa bawat paghihip ng amihang simoy, 
iyang nakasabit na naiwang parol 
nariyan ang diwa noong aming ingkong.

Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,
nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa, 
parang sinasabi ng isang matanda:
“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”

This poem was published 81 years ago in Taliba. December 20, 1928.

SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal; ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua (tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo, magbuñga ma'y walang katas.
Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat ako sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga,  liban sa isang Emilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang.

Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaing tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong sasapit; walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin sa alipustá at pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na dí kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. Dí masasabi ñg punó ó parí na sila lamang ang mananagot ñg maling utos; binigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang  makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan'y, kamangmañgan at dí kabaita't puri. Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin at gamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" Ñguni't dí lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan.

Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palaló ang nagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; at sakdal kapalaluan ó kataksilan ang walang gawá kundí pagbintañgan ang Dios ng balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang balá niyang nasá, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng Dios. Dí dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí magtanong,  makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito ó sutana'y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá kungdí ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salitá sa iba.

Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumuñga'y dapat ang babai'y magtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang magiging supling ng babaing walang kabanalan kundí ang magbubulong ng dasal, walang karunuñgan kungdí awit, novena at milagrong pangulol sa tao, walang libañgang iba sa panguingue ó magkumpisal kayá ng malimit ng muli't muling kasalanan? Ano ang magiging anak kundí sakristan, bataan ng cura ó magsasabong? Gawá ng mga ina ang kalugamian ngayon ng ating mga kababayan, sa lubos na paniniwalá ng kanilang masintahing pusó, at sa malaking pagkaibig na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Ang kagulañga'y buñga ñg pagkabatá at ang pagkabata'y nasa kanduñgan ñg ina. Ang inang walang maituturó kundí ang lumuhod humalik ñg kamay, huwag magantay ng anak ng iba sa duñgó ó alipustang alipin. Kahoy na laki sa burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakalí't may batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tagó at gagamitin sa samá, paris ng silaw na kabag na dí makapakita kundí pag tatakip silim. Karaniwang panagot ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios. Ñguní at ano ang kabanalang itinuró sa atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, humalik ng kamay sa parí, ubusin ang salapí sa simbahan at paniwalaan ang balang masumpuñgang sabihin sa atin? Tabil ng bibig, lipak ng tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang Dios, may bagay baga sa mundong ito na dí arí at likhá ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sa kayang panginoon ng isang basahang hiram sa nasabing mayaman? Sino ang taong dí palaló at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang ang salantá niyang kaya ay makabibihis sa lumikhá ng lahat ñg bagay? Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito'y pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas. Ó kabulagan at kahiklian ng isip!

Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. "Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; "hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí  ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama." Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay. Si Cristo'y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo'y ang mga pari'y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ngá sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw?  Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.

Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios, Dios na dí nasusuhulan, Dios na dí masakim sa salapí, Dios na ama ng lahat, na walang kinikilingan, Dios na dí tumatabá sa dugó ng mahirap, na dí nagsasaya sa daing ng naruruhagi, at nangbubulag ng matalinong isip. Gisingin at ihandá ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akalá: pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pagiisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapuá, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituró sa anak. At dahil ang buhay ay punó ng pighatí at sakuná, patibayin ang loob sa ano mang hirap, patapañgin ang pusó sa ano mang pañganib. Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang pagpapalaki sa batá, samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg anak. Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang maasim.

Malaki ngang hindí bahagyá ang katungkulang gaganapin ng babai sa pagkabihis ng hirap  ng bayan, nguni at ang lahat na ito'y dí hihigit sa lakas at loob ng babaing tagalog. Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila't habang ang iba'y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugamí ng Asia; ang babayi sa Asia'y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil duo'y ang mga babai'y malaya't marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.

Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang ... Dí kami manglulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpawí ñg ulap, palibhasa'y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa dati ang dilag ñg babaying tagalog, na walang kakulañgan kundí isang malayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis. Ito ang nasang lagì sa panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg babaying kabiak ñg pusó at karamay sa tuá ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay  sintahin ñg binatá, di lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundí naman sa tibay ñg pusó, taas ñg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahiná ó maruruwagang lalaki, ó makapukaw kayá ñg madidilag na pagiisip, pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg bayan, pagpitaganan ñg iba, sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na nangagaling diyan ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga ang mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki'y sa ibang lupá ay walá, ñg babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dala marahil ñg kagaanan ñg labí ó galaw ñg dilá, ang mga kastilá, at parí pagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba't iba pang nakapagñgañgalit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ng malí ay gawá ñg kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kabulagan kayang kalalañgan din nila..... May isang kastilang nagayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapangpañgan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng babayi ... Gayon  din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ñgiti at makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mga pari, ay nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan pa'y dinadagdagan ng mga kayabañgan at karumihang hindi mapaniniwalaan ... Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang sinabi ng isang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan ... Sa tuing maririnig ó mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ñguni kong sakali't magsumbatan at maglatlatan ng puri'y ... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't dí ako paring confesor, ó manunuluyang kastilá, na makapaninirá ñg puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ñg babai.

Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'y inia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang dalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapañga'y kapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagwawalanghiya,  na tila walang ina-antay kundi ang magasawa para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay walang pangtakip sa hina ñg loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok na apdo, nagtitiis ñg tampal, nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulong sa kataksilan ñg iba sa pagka't kung walang natakbo'y walang manghahagad; kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigín, ñg isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan. Mulatin ang mata ñg anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa puri, pagibig sa kapua sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayan saalipustang buhay. Ang mga babai sa Esparta'y sukat kunang uliran at dito'y ilalagda ko ang aking halimbawa:

Nang iniaabot ñg isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: "ibalik mo ó ibalik ka," ito ñga umuwi kang  manalo ó mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ñg talong natakbo ó inuwi kaya ang bangkay sa ibabaw ñg kalasag. Nabalitaan ñg isang ina na namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindi umiimik kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas sa pulá, ñguni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ñg siya'y makita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ñg isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlong anak niya,—"hindi iyan ang tanong ko ang sagot ñg ina, kundi nanalo ó natalo tayó?—Nanalo ang sagot ñg bayani. Kung ganoo'y magpasalamat tayo sa Dios!" ang wika at napa sa simbahan.

Minsa'y nagtagó sa simbahan ang isang napatalong harí nila, sa takot sa galit sa bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ñg papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang mga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kayá ñga't iginalang ng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang sagot ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg lalaki. Ang tao, ñg mga Esparta ay hindí inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ñg lupang Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw ñg hukbo ng kaaway.

Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda'y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa akin, kahit maiklí man. Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalili kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yukó ang ulo at halukipkip ang kamay; ñguni't ang hiling ko'y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakalí sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi:

Ang una-una. "Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ñg iba."

Ang ikalawa. Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ñg pagmamahal sa sarili at nasa labis ñg pagkasilaw sa umaalipustá.

Ang ikatlo. Ang kamangmañga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa talí.

Ang ikaapat. Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtagó ñg kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, ñguní at mahirap baliin ang isang bigkis na walis.

Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí dapat magpalaki ñg anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipag kakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat.

Ang ika-anim. Ang tao'y inianak na paris-paris hubad at walang talí. Dí nilalang ñg Dios upang maalipin, dí binigyan ñg isip para pabulag, at dí hiniyasan ñg katuiran at ñg maulol ñg iba. Hindí kapalaluan ang dí pagsamba sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ñg isip at paggamit ñg matuid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan.

Ang ika-pito. Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ó ang pangaral ni Cristong panglunas sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng  pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian.

Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo'y mag isip isip. Kung itong ilang buhaghag na sabi'y makatutulong sa ibinigay sa inyong bait, upang ding maituloy ang nasimulan ninyong paglakad.

"Tubó ko'y dakilá sa puhunang pagod" at mamatamisin ang ano mang mangyari, ugaling upa sa sino mang mañgahas sa ating bayan magsabi ng tunay. Matupad nawá ang inyong nasang matuto at harí na ñgang sa halaman ñg karunuñgan ay huwag makapitas ñg buñgang bubut, kundí ang kikitili'y piliin, pagisipin muná, lasapin bago lunukin, sapagka't sa balat ñg lupá lahat ay haluan, at di bihirang magtanim ang kaaway ng damong pansirá, kasama sa binhí sa gitná ñg linang.

Ito ang matindin nasá ñg inyong kababayang si

JOSÉ RIZAL

Europa, 1889.

ANG ABANIKO MO

(Sa isang bulaklak.)

Parang isang pilas ng̃ lang̃it na bughaw
ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,
parang isang "mundo, ang pinagagalaw
ng̃ napakaputi't nilalik mong kamay.

Iyan ang pamaymay na iyong ginamit
nang ako'y darang̃in ng̃ dila ng̃ init,
diyan napasama ang patak ng̃ pawis,
diyan napalipat ang pisng̃i ng̃ lang̃it.

Anopa't sa aki'y naging malikmata
ang buhay kong iyong binigyang biyaya,
nalimot kong minsang ang tao sa lupa
ay may kamataya't sariling tadhana.

Ang sung̃it ng̃ gabi, sa aki'y napawi
at bagong umaga ang siyang naghari,
ang damdam ko baga'y pawang nanaghili
sa akin ang mg̃a taong mapagsurí.

Subukang igawad ang Sangkatauhan
at hindi sasaya itong kabuhayan,
ng̃uni't kung ang iyong "abanikong tang̃an,
patay ma'y babang̃o't ikaw'y aawitan.

Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas
upang ang lang̃it ko'y mawalan ng̃ ulap,
ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,
ako'y dinaraíg ng̃ mg̃a pang̃arap.



http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/tula-ang-abaniko-mo.html

"Kultura sa Buhay ng mga Pilipino ay parang Domino"

Ni: Sarah F. Faulve

Ang buhay ay parang domino kung saan sa una ay nakatayo sila ngunit kapag ito ay nakalabit ng kaunti ito ay matutumba. Ito ay parang Kultura ng mga Pilipino. Noon Sinasabi na ang ating mga ninuno ay mayroon ng mga kultura na sariling atin, hindi hiniram, hindi ginaya at hindi binigay. Halimbawa nito ay panliligaw sa isang babae sa pamamagitan ng paghaharana dito. Noon ang panliligaw ng mga lalaki sa isang babae ay dinadaan nito sa pagkanta na may kasamang pang mga bak-ap (back- up), mga tiga kung tawagin, tiga kanta, tiga gitara, tiga katok ng pinto ng bahay haharanahing babae at marami pang iba. Kultura din ng mga pinoy noon ay ang paglalaro, paglalaro ng mga sinaunang kaugalian at ito ay ang mga larong luksong baka, luksong tinik. Ano nga ba ang pagkakaiba ng laro na ito? Ang luksong baka nga ba ay lumulukso ka sa baka at ang luksong tinik ay lumukso sa mga tinik? ano naman ang pinag kaparehas nito? Ito nga ba ang parehas sillang lumulukso. Maging sa kasuotan, noon ang mga pantalon ng kababaihan ay bitin at ang beywang ng pantalon ay hanggang sa tiyan ng babae. Noon ito ang mga kaugalian ng mga pilipino. Ngunit tila ito ay nakakalimutan na, nagkaroon lang na kaunting pagpasok ng mga kaugalian ng mga dayuhan ay ito ay unti- unti nang nakakalimutan, parang domino na kapag natumba na ay mahirap munang maitayo muli dahil kailangan pa itong simulan sa umpisa upang maitayo muli. Kailan kaya ito matatayong muli?. Na katulad ng isang domino kapag natumba ay maitatayo muli kahit ito man ay mag umpisa pa sa unahan ng laro.

Make A Difference - MOMS

Homosexuality
—How Can I Avoid It?



“When I was 12, I was attracted to a girl at school. I was confused and worried that I might be a lesbian.”—Anna.*

“During my teens I struggled with an attraction to other males. Deep down, I knew those thoughts weren’t normal.”—Olef.

“My girlfriend and I kissed once or twice. Since I still liked boys, I wondered if I might be bisexual.”—Sarah.



TODAY’S tolerant attitudes have prompted a number of youths to experiment with same-sex relationships. “Many girls in my school claim to be either lesbian, bisexual, or ‘bi-curious,’” says 15-year-old Becky. Christa, 18, finds the situation similar at her school. “Two classmates have actually propositioned me,” she says. “One wrote me a note asking if I wanted to see what it was like to be with a girl.”

With same-sex relationships being flaunted so openly, you may wonder: ‘Is homosexuality really bad? What if I’m attracted to someone of my sex? Does that mean I’m gay?’

How Does God View Homosexuality?

Today, many people—even some clergymen—soft-pedal the issue of homosexuality. Yet, the Bible leaves no room for confusion. It tells us that Jehovah God made man and woman and that he purposed for sexual desires to be fulfilled only between husband and wife. (Genesis 1:27, 28;2:24) It comes as no surprise, then, that the Bible condemns homosexual acts.—Romans 1:26, 27.

Of course, many would say that the Bible is out-of-date. For example, 14-year-old Megan asserts, “Some of the things stated in the Bible have no place in today’s world.” But why are some so quick to make that claim? Often, it is because the Bible’s view conflicts with their own. They reject God’s Word because it teaches something different from what they want to believe. That view is biased, though, and the Bible encourages us to rise above such closed-minded thinking! In fact, in his Word, Jehovah God urges us to consider the fact that his commandments are for our good. (Isaiah 48:17, 18) That is reasonable. After all, who knows our human makeup better than our Creator?

As a young person, you may be experiencing a variety of emotions. What if you feel attracted to a member of the same sex? Does this automatically mean that you are a homosexual? No. Remember, you are in “the bloom of youth,” a period in which you are subject to involuntary sexual arousal. (1 Corinthians 7:36) For a time, your attention may focus on a member of the same sex. But having such an attraction does not mean that you are gay. In fact, statistics indicate that such inclinations usually fade in time. Still, you might wonder, ‘How do these desires start in the first place?’

Some say that homosexuality is rooted in the genes. Others say it is a learned behavior. It is not the purpose of this article to delve into the “nature-versus-nurture” debate. Indeed, it seems that it would be a gross oversimplification to attribute homosexuality to a single cause. Homosexuality—much like other forms of behavior—appears to be far more complex than that.

Regardless of the cause, the important thing to realize is that the Bible condemns homosexual acts. Thus, the person who is struggling with same-sex desires is presented with a reachable goal—he or she can choose not to act on those desires. To illustrate: A person might be “disposed to rage.” (Proverbs 29:22) In the past he may have freely given in to fits of anger. After studying the Bible, though, he becomes aware of the need to develop self-control. Does this mean that he will never again feel anger welling up inside him? No. However, because he knows what the Bible says about uncontrolled anger, he refuses to succumb to his feelings. It is similar with a person who has felt attracted to others of the same sex but who has now come to learn what the Bible says about homosexual practices. On occasion, an improper desire may still present itself. Nevertheless, by heeding the counsel of the Bible, the person can refrain from acting on that desire.

Granted, same-sex desires may be strongly entrenched. Be assured, though, that even deeply rooted wrong desires are not insurmountable. (1 Corinthians 9:27; Ephesians 4:22-24) Ultimately, you are in control of how you will live. (Matthew 7:13, 14; Romans 12:1, 2) And despite claims to the contrary, you can learn to control your impulses—or at least refrain from acting on them.

Reject Wrong Practices

How can you keep from getting involved in homosexual practices?

  • First Throw all your anxieties upon Jehovah in prayer, confident that “he cares for you.” (1 Peter 5:7; Psalm 55:22) Jehovah can fortify you with a peace that “excels all thought.” This can ‘guard your heart and your mental powers’ and give you “power beyond what is normal” to keep from acting on wrong desires. (Philippians 4:7;2 Corinthians 4:7) Sarah, who struggled with the fear that she might be bisexual, says: “Whenever my thoughts disturb me, I pray; and Jehovah sustains me. Without his help I couldn’t have dealt with this problem. Prayer is my lifeline!”—Psalm 94:18, 19; Ephesians 3:20.
  • Second Fill your mind with upbuilding spiritual thoughts. (Philippians 4:8) Read the Bible daily. Never underestimate its power to shape your mind and heart for good. (Hebrews 4:12) A young man named Jason says: “The Bible—including scriptures such as1 Corinthians 6:9, 10 and Ephesians 5:3—has had a powerful effect on me. I read these scriptures whenever wrong desires occur.”
  • Third Shun pornography and gay propaganda, which will only fuel wrong thoughts.# (Psalm 119:37;Colossians 3:5, 6) Some motion pictures and television programs also foster the belief that homosexuality is nothing more than a so-called alternative lifestyle. “The world’s warped thinking affected my mind and added to my sexual confusion,” says Anna. “Now I steer clear of anything or anyone that promotes homosexuality.”—Proverbs 13:20.
  • A teenage girl confiding in a Christian adult

    Seek the support of a mature Christian adult


  • Fourth Seek out a confidant, and talk to him or her about your thoughts. (Proverbs 23:26; 31:26; 2 Timothy 1:1, 2; 3:10) Olef, who sought the help of a Christian elder, recalls: “His counsel was very effective. I wished I had spoken to him a lot earlier.”

Do Not Give Up!

Of course, some would say that there’s no point in doing all this, that you should simply embrace your sexuality and accept what you are. But the Bible says that you can do better than that! It tells us, for example, that some early Christians who had formerly practiced homosexuality changed. (1 Corinthians 6:9-11) You too can win the battle—even if at this point it is only being waged in your heart.

If your desires persist, do not give up or conclude that you are a lost cause. (Hebrews 12:12, 13) All of us battle wrong inclinations at times. (Romans 3:23; 7:21-23) If you refuse to act on wrong desires, in time they may subside. (Colossians 3:5-8) Above all, lean on Jehovah for help. He loves you and knows what will make you happy. (Isaiah 41:10) Yes, “trust in Jehovah and do good . . . , and he will give you the requests of your heart.”—Psalm 37:3, 4.


* Names in this article have been changed.

# “Metrosexuality”—a lifestyle in which men give excessive attention to themselves and particularly their appearance—has done much to blur the line between gay and straight. According to the man who reportedly coined the term, the metrosexual “might be officially gay, straight or bisexual, but this is utterly immaterial because he has clearly taken himself as his own love object and pleasure as his sexual preference.” The popularity of the term, says one encyclopedia, “followed the increasing integration of gay men into mainstream society and a correspondingly decreased taboo towards homosexuality and changing masculinity.”

TO THINK ABOUT

Why does God disapprove of homosexuality?

What can you do if you are struggling with same-sex attraction?

In whom can you confide if you are battling homosexual urges?

More articles from the “Young People Ask . . .” series can be found atwww.watchtower.org/ype

Mula sa opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova; www.watchtower.org


ABFILIPINOLOHIYA: Kurso ko yata iyan! -MGP

Sa haba ng oras na inaksaya ko sa pagpila para lamang sa kursong hindi ko inaasahan, pakiramdam ko napurga ang buo kong katawan. Akala ko wala akong mararating, akala ko hindi ko magugustuhan. Nagkamali pala ako. Akala ko lang yon.

Alam kong pare-pareho lang tayong napunta sa kursong hindi nating gusto at magpahanggang sa ngayon ay nagtitiyaga tayo kahit alam nating pare-pareho na hindi tayo kuntento. Alam ko na may kanya-kanya tayong gustong gawin sa buhay, may iba't ibang pangarap-- ngunit nasakripisyo lahat, sukdulang maglakad tayong lahat sa basag na salamin maitawid lang ang ating mga sarili sa naghihingalong porsyento ng mga kabataang nakatutungtong sa PUP. Sayang-- yan ang nasa isip nating lahat.

Sino nga ba ang tunay na sayang sa mundong ito? Lakas-loob kong sasabihin na ang mga taong walang pagpapahalaga sa kanilang sariling wika ang tunay na sayang sa mundo. Hindi lamang sayang kundi walang kwenta. Oo, mahalaga ang pag-aaral ng banyagang wika. Kung tutuusin ay dapat halos lahat ng tao ay maalam nito-- ngunit bakit natin yayakapin pati kultura ng mga taong nagsasalita ng wikang banyaga? At bakit tila yata yumayabang na ang mga manggagamit nito?

Sino pa ang tunay na sayang sa mundong ito? Ang mga taong pilit tayong niyuyurakan dahil mainit daw ang ating uniporme. Naku, kung alam ko lang kaya dumami ang mga naka vest sa pamantasan ay dahil sa amin. Mainit pero kayang-kayang dalhin. Kaya nga pilit ginagaya e, diba?

Sino pa ang tunay na sayang sa mundong ito? Ang mga taong hindi nabibigyan nang pagkakataon na ipakita at patunayan ang sarili. Sa ating kurso, nabibigyan tayo ng pag-asa at pagkakataon na ipahayag ang ating saloobin-- kahit may mga pagkakataong nabibingi ang mga dapat makarinig. Ang pinaka masayang pangyayari ay ang pagpapakita natin ng ating mga talento tuwing Buwan ng Wika at Linggo ng Kolehiyo. Hindi ba't kaysarap mapanuod ng pagkarami-raming estudyante? Kaya nga may sumayaw din ng Singkil noong isang araw-- grabe, ganyan na ba talaga tayo kagaling?

Oo, mayabang na ako kung mayabang. Iyan marahil ang nagawa ng kurso sa akin. Natuto kong ipagmayabang ang sarili ko, ang sariling atin-- ang pagiging Pilipino.

Ano ang mas mahalaga Career o Pag-ibig? (ano ang iyong mas uunahin?)


Sa panahon na ngayon na marami ang naghihirap at walang hanap-buhay ay may kaibigang biglang nagtanong sa akin, ano na daw ba ang mas mahalaga sa akin ngayon ang pagkakaroon ba ng magkaroon ng career o ang magkaroon ng taong magmamahal sa akin? ang isinagot ko ay pareho bakit hindi ba pwede na habang may career ay may inspirasyon? ang sagot nya ay hindi daw pwede na pareho ko silang piliin dahil hindi ako magkakaroon ng konsentrasyon kapag dalawa ang priority ko. Dito ay napaisip ako ano na nga ba ang mas mahalaga nagyon pag-ibig o hanap-buhay o sa ibang salita ''pera''.

Naniniwala ako sa kasabihang ''opportunity knock once'' kaya kapag nasa harap mo na dapat kunin mo na at huwag ng palagpasin pa kundi ay hindi na ito muling kakatok sa pintuan mo, kaya kung may kumatok sa pinto ko ito ay hinding-hindi ko palalagpasin dahil di biro ang magkaroon ng oportunidad sa bansang ito na maraming naghihirap dahil walang trabaho at inuna ang pagkakaroon ng pamilya kesa ang maghanap-buhay kaya ayan walang makain at walng maayos na tirahan. Ang pag-ibig maaari naman yang makapaghintay wag tayong magmadali dahil hindi naman mauubos ang kalalakihan at kababaihan sa mundo , dapat ay maging matalino na tayo at unahin ang pagkakaroon ng stable na pamumuhay bago ang pag-aasawa ng wala sa tamang oras at panahon.


May kasabihang ''true love waits'' kung isa kayo sa naniniwala sa kasabihang yan masasabi kong kayo ay nasa tamang prinsipyo dahil ang tunay at tapat na pagmamahal ay hindi minamadali bagkus ito ay pinatatatag ng panahon. Sa mga argyumento ko sa itaas ay masasabi ko at mahihinuha nyong career mas pinili ko , di dahil sa pera lang ang habol ko at pagyaman kundi dahil gusto kapag pag-ibig na ang priority ko masasabi kong stable na ko financially & emotionally at kaya ko ng harapin anuman sususnod na mangyayari sa aspeto ng pag-ibig na pipiliin ko.


Maging matalino wag padalos-dalos dahil dyan maraming napapahamak at nagsisisi lalo na sa mga kabataan ngayon mapa-babae o mapa-lalaki man. Ang pagpapaunlad muna sa ating mga sarili ang isipin at hindi ang kuryosidad sa isa't-isa may tamang oras at panahon para dyan. Tandaan lamang na hindi ka mabubusog ng pagmamahal pag tyan na ang kumalam kaya para sa ting mga kabataang Pilipino ''make progress and dont make love (not yet )'' ang dapat isaisip!

Magkaugnay nga ba?

ni; Sarah Faulve


Tignan natin ang liwanag ng mundo.
Mundo na nagbibigay liwanag ng buhay.
Buhay na nag bibigay lakas sa ating katawan.
Katawan na nagbibigay tibok sa ating puso.
Puso na humahaplos sa ating mga damdamin.

Ang lahat ng bagay ay mag kaugnay!
Magkaugnay ang buhay ng tao sa mundo.
Katawan sa ating mga puso.
Puso sa ating mga damdamin.
Yan ang sinasabing Pagmamamahal.

Pagibig sa lahat ng tao dapat ibigay.
Tama bang dapat ibigay ito sa lahat?
Lalaki man ito o Babae?
Kahit sa kaparehas nitong kasarian?
Tama nga ba o mali?

Tila tayo ay nagkakamali!
Pagibig na hindi dapat sa kaparehas ang kasarian.
Ngunit sabi ng iba ito daw ay hindi mali!
Hindi mali dahil walang mali sa kanilng gingawa.
Sapagkat pagibig lamang.

Paano kaya natin ito huhusgahan.
Maling paghuhusga ba ang ating ginagawa?
O tama lamang upang ito'y maituwid.
Talaga nga bang magkaugnay ang lahat?
Lahat ng baay sa mundo!?

Huwag Kang Magmadali ni Mara Grace Pinion

Sadyang napakapupusok ng mga kabataan ngayon. Halikan dito, halikan doon. Akala ba nila ay maganda itong tignan? Sunod sa uso at pagpapakita nang pagmamahal? Sa bayang ito, sa bansang ito-- hindi tinatanggap ang mga iyan.

Bilang isang politiko na nagnanais pakinisin ang mga kahoy na sinulatan ng mga walang modong kabataan, ituwid ang mga bakal na ipinapalo nila sa hita ng mga nangnanais sumama sa kanilang grupo, puksain ang pornograpiyang lumalaganap dahil sa kahirapan at droga, itigil ang maagang pag-aasawa at pakikipagtalk-- naniniwala ako na hindi natin kailangang magmadali.

Kabataan, naaalala mo ba ang sinabi ni Rizal? Pag-asa ka ng bayang ito kaya bakit mo sisirain? Bakit ka gagawa ng alam mong makasisira lamang sa iyong kinabukasan? Hinihintay ka nalang ng iyong kahahantungan ngunit bakit ka nagpalit ng daan? Huwag mong hayaan na mahulog ka sa maling landas, sa maling tao at sa maling sitwasyon. Huwag mong isipin na uso ang fraternity sapagkat wala itong maidudulot kundi kapahamakan. Hindi ito kaastigan kundi kaduwagan. Huwag mong sundin ang iyong nababaliw na puso, ang droga at alak ay maling takbuhan. Maaaring maging maginhawa ka ngayon ngunit bukas ay nandiyan pa rin ang problema.

Kabataan, ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo. Huwag kang magmadaling tikman ang sarap at sakit nang pakikipagtalik dahil maaari itong magbunga ng hindi inaasahang binhi. Ang murang edad na dapat naglalaro pa sa labas at winasak ng isang mayabang at malakas na loob na mahirap. Oo, mahirap naman talaga-- nakapagtataka nga lang kung saan kumukuha nang pambili ng yosi at alak. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, bakit pa rin kayo pumapatol sa alam ninyong wala kayong mararating?

Kabataan, ikaw ang makapag-aangat sa bansang ito. Ang iyong pambihirang katangian at kaisipan ang kailangan ng bansang ito. Ang mga kurakot at matatandang walang alam kundi magpasarap at magnakaw ay huwag mong pahintulutang makapanlinlang pa. Tumayo ka at ipaglaban ang iyong karapatan pati ipagmalaki ang iyong katangian.

Inuulit ko, huwag kayong magmadali. Ang mga bagay sa mundong ito ay mabilis na dumarating, maghintay ka lang at ito ay mararanasan mo rin.

Anong Pangmalas ng Bibliya Tungkol sa Homosekswal na mga Gawain?

ni: Judcee Mae Dijos



“Hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo. Sundin mo na lang ang nararamdaman mo at tanggapin kung ano ka talaga.”


Ito ang karaniwang dahilan ng mga tao anupat hindi na isyu para sa marami ang tungkol sa homosekswalidad. Subalit hinahatulan ito ng bibliya. Sinasabi nito sa atin na lalaki at babae ang nilalang ng Diyos na Jehova at ang pagsisiping ay nilayon niya para lamang sa lalaki at babaing mag-asawa. (Genesis 1:27,28; 2:24) Kaya nga, hindi sinasang-ayunan ng Salita ng Diyos ang homosekswal na mga gawain.


Bilang mga Kristyano, papaano natin mamalasin ang mga homosekswal na mga gawain?


Mula sa ating publikasyon na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos, ganito ang sinasabi: “Gaya ng pagkakagamit sa Bibliya, ang “pakikiapid” (Griego, por·nei’·a) ay tumutukoy sa bawal na pakikipagtalik ng mga hindi mag-asawa ayon sa Kasulatan. Kabilang dito ang pangangalunya, prostitusyon, at pagtatalik ng mga hindi mag-asawa gayundin ang oral at anal sex; at ang paghimas sa ari ng isang indibidwal na hindi niya asawa. Kasama rin dito ang gayong sekswal na mga gawain sa pagitan ng magkapareho ng kasarian, gayundin ang bestyalidad.” Ang ang karamihan sa nabanggit na gawain ay ‘salungat sa kalikasan’ ayon sa Roma 1:26,27 na karaniwang ginagawa ng mga bakla, tomboy o bisexual. [basahin sa tagapakinig ang nabanggit na teksto]


Ang pananaw tungkol sa homosekswalidad ay nagkakaiba-iba depende sa henerasyon. Ngunit ang mga Kristyano ay hindi ‘sinisiklot-siklot ng alon at dinadalang paroo’t parito ng bawat hangin ng turo’ (Efeso 4:14) Kundi, nanatili sa simulain ng Bibliya.


Bilang halimbawa, kung ang isang lalaki ay nakadama ng pagnanais na maging babae, anong sanhi ng ganitong pagkadama kung nilayon ng Diyos na tanging babae at lalaki lamang ang kasarian? Oo, ito ay dahil sa pagiging ‘di sakdal ng tao simula ng sumuway sina Adan at Eva sa batas na itinakda ng Diyos sa Hardin ng Eden. Batid natin na dahil sa kanilang pagsuway, pinalayas sila sa hardin at naiwala nila ang taglay na kasakdalan. Dahil doon, ang kanilang mga inapo, kabilang na tayo, ay nagmana ng pagiging ‘di perpekto/ ‘di sakdal at natupad ang parusa na ang tao’y magiging makasalanan, magkakasakit, tatanda at mamamatay.


Gayunman, dahil ba sa hinahatulan ng Bibliya ang gawain ng mga itinuturing na mga homosekswal, mawawala na ba ang resperto natin sa kanila? Hinding-hindi. Pakisuyong basahin natin ang 1 Pedro 2:17 [basahin sa tagapakinig] Ayon dito, dapat nating ‘parangalan ang lahat ng tao’, irespeto natin ang lahat ng tao. Itakwil natin ang gawain ng mga homosekswal, hindi ang mga taong homosekswal. Makitungo tayo sa kanila ng may mainam na pagtanggap ng hindi kinukunsinti ni tinutularan man ang kanilang imoral na paggawi. Kung ngaya ng Diyos na hindi ka sang-ayon sa homosekswalidad, hindi ibig sabihin nito na homophobic ka na.


Karaniwan nang nararanasan naman ng iba ang pagkadama na sila ay bisexual dahil sa sila’y nasa ‘kasibulan ng kabataan’, ang panahon kung kailan sadyang madaling makadama ng sekswal na pagnanasa. (1 Corinto 7:36) Ngunit ikinakatwiran pa ng ilan: “paano sasabihin ng Diyos sa isang indibidwal na nagkakagusto sa kaparehong kasarian na iwasan ang homosekswalidad?” Pero magagawa mong sundin ang pamantayang moral ng Diyos kung talagang nais mo siyang palugdan kahit na hindi kumbinyente para sa iyo ang utos na ito:


“Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan… may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, kaimbutan, na siyang idolatriya” – Colosas 3:5.



Anu-ano ang tutulong sa atin na manatiling tapat sa simulaing nabanggit?


Mag-isip ng mga bagay na nakapagpapatibay.(Filipos 4:8) Ganito ang sabi ng kabataang si Jason: “Napakalaki ng ng epekto sa akin ng Bibliya – lalo na ang mgat tekstong gaya ng 1 Corinto 6:9,10 at Efeso 5:3. Binabasa ko ang mga tekstong ito kapag nakakaramdam ako ng maling pagnanasa.”


Iwasan ang pornograpya at anumang bagay na may kinalaman sa homosekswalidad. Iwasan ag anumang bagay na pupukaw ng imoral na mga pagnanasa. Kasama na rito ang ilang pelikula at palabas, mga magasin na may larawan ng hubad na mga larawan atmalalaswang babasahin.


Humingi ng tulong mula kay Jehova a panalangin. Ang totoo, walang madaling lunas. Pero kung gusto mong mapasaya ang Diyos, tulad nga ng nasabi na kanina, dapat kang sumunod sa Kaniyang mga pamantayang moral. Kung magsisikap ka, darating ang panahon na mas makokokntrol mo ang iyong mga maling pagnanasan. Huwag mong kalimutan na nauunawaan ng Diyos ang pinaglalabanan mong damdamin at nagpapakita siya ng awa sa mga naglilingkod sa kanya. [basahin ang Hebreo 6:10]


Kaya magtiwala tayo sa Diyos, at labanan ang maling mga pagnanasa anupat nauuwi sa homosekswal na paggawi. (Galacia 6:9) Higit sa lahat, kung iiwas tayo sa mga homosekswal na gawaing ito, may pag-asa tayong mabuhay nang walang hanggan sa matwid na bagong sanlibutan na ipinangako ni Jehova sa darating na paraisong lupa.


(itinulad sa pahayag pangmadla ng panlinggong pulong ng mga Saksi ni Jehova)

Bayanihan Upang Maibalik ang Bayanihan

ni: Judcee Mae Dijos



Hindi naman natin kailangang makibuhat pa sa kubong nangangailangan ng paglilipat para masabing nakipagbayanihan tayo.

Paano naman natin maibabalik ang magandang-asal na ito?

Una, hindi natin kailangang maghintay na may humingi sa atin ng tulong. Panatilihin nating malakas ang ating pakiramdam mula sa mga nangangailangan.

Ikalawa, alamin kung ano ang kapasidad mong tumulong. Nasa kakayahan mo bang mag-donate ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga nasalanta ng kalamidad o ang kaya mo lang ay ang tumawag at ipaalam sa awtoridad kung sino ang nangangailangan at kung saang lugar ang nakaranas ng mapanirang bagyo. Hindi natin kailangang magtaglay ng malaking halaga ng pera upang tumulong.

Ikatlo, magtaglay nawa tayo ng mapagpakumbabang pagkatao. Kung magpapainbabaw lang tayo at ang tangi lang nating gusto ay pahangain ang tao, mabuti pang wag nang ituloy ang ibinabalak nating mapagkunwaring pagtulong. Kung magsasauli tayo ng gamit na napulot natin, na hindi naman natin pag-aari, alamin natin ang ating motibo kung bakit natin napagdesisyunang isauli iyon. Malibang sa pamamagitan lang ng media maisasauli ang isang partikular na bagay na nakita natin.

Ikaapat, wag tayong magkaroon ng pananaw na lahat ng tutulungan natin ay makapagsusukli sa atin ng anumang bagay bilang kabayaran. Walang puwang para sa panunumbat. Mabuti pang hindi tayo tululong kaysa makasakit tayo gamit ang mga salitang may panunumbat.

Maliban sa apat na mga naimungkahing paraan upang masimulan nating maibalik ang kulturang bayanihan, alam kong may naiisip pa kayo kung paano matin mapagtatagumpayan ang pangkulturang isyu na ito. Tulungan niyo akong makaisip pa ng maraming paraan.

Magbayanihan tayo na maibalik muli ang kulturang Bayanihan. Dahil ang pagpapanumbalik ng pagkakakilanlan nating ito ay ang pagbabalik ng ating pagiging makatao.


"Ako nalang ulit." ni Mara Grace Pinion

Sanay na sanay tayong mga Pilipino na balikan ang isang tao o bagay kapag ito ay wala na sa ating mga kamay. Alam naman nating kailangang-kailangan natin ngunit hinahayaan pa rin nating maglakad papalayo sa atin. Maaaring tao, bagay o pangyayari. Maraming posibilidad. Maraming mga bagay ang maaaring pangyarihan nito.

Sa pag-ibig. Sabi ni Jhy sa akin noon sa tuwing makakikita kami nang magkarelasyon, "Hindi magtatagal yan." Oo-- siguro nga hindi sila magtatagal kung paiiralin nila sa kanilang mga sarili na hindi sila ang para sa isa't isa. Hindi sila magtatagal kung gagawa sila ng alam naman nilang hindi nila magugustuhang pareho. Kung may magtataas ng kanyang pride at magtatago nang nararamdaman. Kung may naglilihim o naghahanap ng iba.

Sa pamimili. Malaki ang pinagkaiba nina Nanay at Tatay. Kapag nagpupunta kami sa mall ay magkaiba sila nang pamamaraan nang pagbili. Bago kuhanin ni Nanay ang isang bagay ay lilibutin niya muna ang buong department store, minsan sa botique. Si Tatay naman ay kung ano ang makursunadahan ay yon na ang bibilhin. Maya-maya, kapag may nakita nanamang maganda ay babalikan at pag-iisipan. Ngunit huli na ang lahat, nakapagbayad na. Napapabuntong-hininga na lamang siya sapagkat mas maganda ang makalawa niyang nakita.

Simple lang naman ang gusto kong iparating sa inyo, pangatawanan sana natin ang mga bagay at desisyong ating ginagawa. Ang hirap kasi sa atin, kung kailan wala na ay tsaka hahabulin. Pagkahabol mo ay may iba nang hinahabol, may iba nang nakabili. Ang sakit diba? Ang sarap sabihin na sana ako nalang ulit... o di naman kaya ay sana ang oras ay pwedeng ibalik.

Hapag-kainan


Ang mga Pilipino ay sadyang malaki ang pagpapahalaga sa kanilang pamilya kaya nga't pati sa pagkain sa hapag-kainan ay nakasanayan na nating sabay-sabay kumain sa umagahan man, tanghalian, o hapunan ay matyaga nating hinihintay ang bawat miyembro ng ating pamilya magkasabay-sabay lang sa pagkain. Isa yan sa magandang nakagawian nating mga Pilipino noon pa man. Sana ay mapanatili natin ang ganitong pagsasamahan.


Naaalala ko nung aking kabataan na sabay-sabay talaga kaming nagsisipag-kainan ng aking pamilya kahit pa galing sa trabaho ang aking magulang ay matyaga pa rin namin syang hinihintay dahil ito ay amin ng nakasanayan at masaya talaga sa pakiramdam na kasabay mong kumakain ang buo mong pamilya.Habang kumakain ay masaya at masigla kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa araw na iyon.Dito rin ay napapayuhan at nagagabayan kami ng aming magulang sa kung ano ang mga dapat gawin at hindi dahil sila'y nagtatrabaho sa umaga ay ito na rin ang nagiging oras upang kami ay mag-bonding.


Masaya talaga ang pagsasalo-salo hindi ka lang sa pagkain mabubusog pati na rin sa tawanan at aral na ibibigay sa iyo ng iyong pamilya, sana kahit sa panahon natin ngayon na talagang marami tayong ginagawa at palaging late na tayo umuuwi ay maglaan pa rin tayo ng oras na makasabay natin kahit tatlong beses man lang sa isang linggo ang ating magulang at kapatid. Huwag sanang kakalimutan ang ganito kahalagang nakagawian na ng bawat pamilyang Pilipino. Nawa'y magpatuloy ito sa habang panahon upang ang mga kabataang tulad ko magkaroon ng masayang bonding na nabubuo sa hapag-kainan.

Bago Pa Natin Masabing "Huli Na"

ni: Judcee Mae Dijos



“Gustong-gusto kong makakita ng mga dead end signs. Mabuti pa sila may tendensiyang ipaalam sa iyo na wala ka nang patutunguhan.” – Bugs Bunny.


Naroon na nga tayo (hindi sa dead end). Takot ka ngang talaga sa sinturon niya. Takot ka sa kurot at sa kanyang mabagsik na mata. Lahat ay idinadaan natin sa takot. Kailan ba natin titimplahan ng pag-ibig ang pagsunod sa kanila? Oo, sa ating mama at papa.


Ang mga magulang natin ang nagtatakda ng mga dapat at hindi dapat gawin. Kasali rito ang tungkol sa paggawa mo ng takdang-aralin, mga gawain sa bahay, oras ng pag-uwi pati na ang mga limitasyon sa panonood ng TV at sa paggamit cellphone at kompyuter. Hinihigpitan din nila tayo sa paggawi galing sa eskwelahan at pagpili ng mga kaibigan. Pakiramdam nga natin ay hindi tayo malaya dahil sa mga restriksyong ito. Bilang mga kabataan, madalas nating malabag ang mga utos nila pero kumbinsido tayo na kailangan natin ang mga iyon para magkaroon ng kaayusan sa buhay – para mabatid natin kung saan may dead end; para malaman natin kung saang kalye ang walang patutunguhan at kung saan ang daan ng kaginhawahan.


Ang pagsunod sa ating mga magulang ay gaya ng obligasyong magbayad sa bangko – kapag hindi ka pumapalya sa iyong obligasyon, lalaki ang tiwala nila sa’yo. Kasabay ng ating matapat na pagkatakot na palugdan sila, at ang pagkadama na obligasyon lang ito, paano natin titimplahan ng pag-ibig ang pagtupad sa mga tuntunin nila?

Isipin ang motibo nila. Ipagpalagay na nating nagkakamali rin sila sa mga panahong sobrang higpit nila. Malamang na desperado na kasi sila na maihiwalay tayo mula sa mundong maligalig kung saan ang mga pamantayan ay mababa.


Ipakita mong mapagkakatiwalaan ka. Tularan natin ang ilustrayon sa itaas tungkol sa pagbabayad sa bangko.


Pasulungin ang paraan ng pakikipag-usap sa kanila. Magmungkahi ng mga bagay na mapagkakasunduan natin at ng ating magulang ng hindi nalalabag ang utos nila. Kung mali ang mga interpretasyon nila sa ating mga kilos o pananalita, magpaliwanag sa kanila sa matapat na paraan. Walang puwang para sa pananahimik kung ito nama’y magalang at may halong pag-ibig.


Hindi ako nagmamalinis. Misan ko na ring nasagot ng pabalang ang aking ina’t ama. Ang latay ng kanilang palo ang tanging paalaala sa akin noon na ako’y masuwayin na. Pero ngayon, hindi mo makakasama ang mga magulang mo sa paaralan. Nasa iyo na kung susundin mo ang bilin nila o lilihis ka ng daan. Mas mabuti kaya kung walang mga batas?


Naiinggit ang karamihan kung may kakilala silang mga kaedaran nila na pinapayagang umuwi ng bahay kahit anong oras, magsuot ng kahit anong damit, uminom ng alak kasama ng barkada at maglakwatsa kahit saan at kahit kalian. Mag-isip tayong muli. Batid ba nating mas kaawaawa ang kanilang kalagayan at malamang na sila’y mapahamak dahil pinapalaki sila sa gayong paraan? Ang mga batang kinukunsinti ng kanilang magulang, anupat laki sa layaw, ay karaniwan nang lumalaking makasarili at walang utang-na-loob. Hindi rin naman natin gusting mapariwara hindi ba?


Mapalad pa rin tayo kahit hindi tayo nakakakita ng literal na mga babala ng dead end sa ating tinatahak na daan ng buhay dahil may mga magulang tayo – ang ating maibiging tagapayo. Nawa ay hindi natin madagdagan ang mga katagang binanggit ni Bugs Bunny sa ganitong paraan: “Gustong-gusto kong makakita ng mga dead end signs. Mabuti pa sila may tendensiyang ipaalam sa iyo na wala ka nang patutunguhan, samantalang ako, parang walang magulang.”


May isang bagay akong naranasan. Isang bagay na higit sa karaniwan. Hindi ko sasabihin sa’yo. Alalahanin mo muna ang utos ng iyong ina; magpakadalubhasa sa mga iwinika ng iyong ama at sumunod ka muna sa kanila ng taimtim tsaka mo malalaman ang aking lihim.