Thursday, September 29, 2011

Magkagusto ka nalang sa iba Ni: Angeline Espeso

Magkagusto ka nalang sa iba

Ni: Angeline Espeso


Minahal kita kasi simple ka lang

Simpleng pumorma

Lahat sa iyo’y simple

Na turing sa akin ay espesyal

Ngunit ako pala ay naging hangal


Ang gusto ko ay gusto mo rin

Tila ba’y walang makapaghihiwalay sa atin

Masakit lamang isipin

Tingin mo sa aki’y kaibigan lang pala

Masyado akong umasa


Hindi naman ako manhid

Upang ang tinatago mo sa aki’y hindi mabatid

Hindi isang tulad ko ang hanap mo

Nanghina ako ng malaman ko

Isang tulad mo pala ang tipo mo


Masakit malaman ang katotohanan

Kasi hindi ito pabor sa aking kagustuhan

Gwapo ka nga kaso gwapo rin ang hanap mo

Bagay na aking pinnghihinayangan

Pangyayari na nais ko na lamang tawanan


masakit sa aking mata

ang makita kayong masayang magkasama

hindi dahil bitter ako sa inyo

kundi dahil hindi ito normal sa lipunang ating ginagalawan

magkagusto ka na sa ibang Eva kaysa naman sa kapwa mo Adan.

No comments:

Post a Comment