Friday, September 30, 2011

Ang baklang xyz

Uy !! bakla ka ba ? tara basahin mo to…ay kahit pala hindi ,basta may mata ka basahin mo !!!

“Hahahahahaha ang panget nya !!! anak ng ….. hahaha bakla ang hinayupak pare !!!! bakit ba andameng ganyan dito !!!!hindi naman sila nanganganak bat dumadame”


Masakit sa kalooban ang mapagsalitaan ng ganito ,nakakatuwa para sa iba ngunit nakakasakit ng sobra sobra…naaalala ko nga ,madalas maging tampulan ng panunukso ang mga bakla ,pano naman kasi ang klase ng pananamit,paglalakad,pagsasalita ay talagang kakaiba …kung maka kendeng sa kanto ay parang hahawiin ang mga makakasalubong nito…at kapag ka nakakakita ng mga makikisig na lalaki ay parang kinakatay na baboy kung tumili…naalala ko nga ng minsan isang bakla sa kanto ang biglabg naglulundag sa kilig habang nakatunghay sa isang lalake…sa aking pagintidi isa yung basketbol player at talagang type na type ng bading na iyon “typeness ko the !!! mabalbon !! ang sarap !!” masakit nga talaga sa pandinig ang mga nakakakilabot nilang mga usapan, at doon sila masaya.

“Teh !!! ang wafu ng lalaking itetch !!! wit ko tong pakakawalan !! yummy ang absilon !!! Portugal akong tignan !!! “

Masaya silang kasama madaldal at hindi nauubusan ng mga sinasabi…gumalaw lang ng kaunti ay tiyak na mangangawit ang panga mo kakatawa…ganyan kasaya kasama ang bakla ngunit kabaligtaran sa kanilang damdamin…malungkot…mallungkot ang pagbatikos sa maraming tao at hindi pagtanngap sa kanila oo at nakangiti pero nasasaktan at nalulugmok…sila ang pimakamasayang malungkot….di mo na gets? Heto pa basahin mo ah…


Sangkot ang marami sa kanila sa ilang mga mga beauty contest ,talent shows at syempre sa paglakas ng kita ng mga gay bar ,nakakatuwa mang isipin nagagawa nila ito sapagkat marami sa kanila ang nagtatagumpay sa kabila ng mga panlalait na kanilang natatanggap , oo bakla nga daw sila ngunit dahil sa pagsasanib ng babae at lalaking katauhan sa kanila ay mas lalong dumadami ang kakayahan nila…tama naman sapagkat maraming talento ang mga bakla na pambihira…sila nga itong nga imbento ng isang salita ng kung tawagin ay gay lingo kamangha mangha ito dahil nakabuo sila ng bagong wika pang kanila…idagdag din natin ang kagalingan nila sa larangan ng pagpapaganda, ang ambag na ito ang isa sa dahilan ng pagiging makulay ng mundo.

Uy hidi kita pinipilit maging bakla ah !! ang nais ko lang ipabatid ,hindi kabaklaan ang dahilan upang mang alipusta tayo ng tao…ang pagkatao ang syang dapat kinikilala hindi ang panlabas na anyo…respeto sa kapwa tao ang makapagsasabi kung ikaw talaga ay LALAKE O BABAE ..ito din ay maging sa mga tomboy o ano pang kasarian yan…paggalang ang sa bawat isa ang mahalaga…

Kaya sa susunod na makakita ka ng bakla…asarin mo ..ay este igalang mo 

No comments:

Post a Comment