Friday, September 30, 2011

Ang buhay lesbian

Nakakuha ng kuryosidad sa akin kung paano ang pamumuhay ng mga lesbian, marami akong tanong na nagnanais mabigyan ng kasagutan mula sa tulad nila.Nagtataka ako kung paano at bakit sila naging tomboy at kung paano nila nagagawa o ginagawa ang mga karaniwang ginagawa ng mga kalalakihan? hindi malinaw sa akin kung paano sila nagkakaroon ng lakas ng loob na manamit at magkilos lalaki sa harap ng mga tao sa paligid nila.Paano nga ba mag-isip ang isang lesbian at bakit maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanila?


Saan ka man tumingin sa kaliwa't kanan ay makakakita ka ng mga tomboy o lesbiana na naglipana sa paligid. Nakakapanghinayang kung iisipin na ang mga dating mayuyuming kadalagahan ay isa na ngayong ganap na binata , sa uri ng pananamit,gupit ng buhok,pagsasalita,paglalakad at sa buong pagkilos ay mamamangha ka at hindi mo aakalaing sila'y dating mga dalaga at hindi nagpapanggap lamang na nabibilang sa angakan ni adan .Talaga namang maraming kalalakihan ang manghihinayang lalo pa't karamihan sa mga lesbian ngayon ay talaga namang pagkaganda-ganda, animo'y babasagin pinggan ang mga mukha na ginupitan ng maiikling buhok pero hindi pa rin naitago ang gandang nais baguhin ang anyo.


May kaibigan akong isang lesbian at base na rin sa kanyang mga naikwento sa akin ay naging ganito sya dahiol na rin mula pagkabata ay hindi na talaga sya naging mahilig sa mga laruang pambabae o kahit ano mang para sa mga ito. Lumaki sya kapiling ang mga kaibigan nya na puro mga lalaki at dito natuto sya kung paano mag-ayos at kumilos ang isang tunay at ganap na lalaki.Mula noon ay tinalikadan na talaga nya ang pagiging babae at namuhay bilang isang ganap na binata na hindi naman tinitulan ng kanyang mga pamilya sa katunayan ay tanggap na tanggap sya ng mga ito.Nalaman ko sa kanya na mula ng bata sya ay sa babae talaga sya naaatract at malakas ang loob nya na manligaw sa sino mang babaeng mapupusuan nya kahit gaano pa ito kaganda ay hindi sya nawawalan ng pag-asa,bakit nga naman sya susuko e kahit na tomboy sya e maganda naman syang lalaki at hindi mo mapagkakamalang dating babae.Naitanong ko din sa kanya kung ano ang ginagawa nya tuwing magkakaroon sya ng monthly period? ang tanging naisagot nya ay isang mahinang tawa at sabay sabing pinapalipas na lang nya ito at pag natapos ay lalaki na naman ang pakiramdam nya sa kanyang sarili.


Sa dinami-raming kalalakihan sa bansa natin ay bakit kaya marami pa rin ang may karelasyong tibo? mga magaganda pa man din pero ang ka-holding hands magandas rin, bakit kaya nagkaganito? sabi ng marami ay masarap daw magmahal ang tibo , ibibgay ang lahat ng gusto mo at magaling din mag-alaga dahil na rin sa sila ay dating babae kaya alam nila ang mga pangangailangan ng isang kababaihan na naghahangad ng magmamahal at mag-aalaga sa kanila ng tunay kaya't marami siguro ang nahuhumaling sa mga ito.Ano pa ba ang kaibahan nila sa pagmamahal at pag-aalaga ng isang kalalakihan? tanong ko sa mga kaibigan kong may karelasyong tibo, sagot nila ay mas safe ang pakiramdam nila pag ito ang kasama at hindi sila mabubuntis kahit may mangyari man sa kanila. Dito naman ako natawa ng dahil sa ayaw mabuntis ay papatol ka na sa kauri mo?


Iba-ibang pananaw lang yan sa ibat-ibang isyu na mayroon sa ating paligid ngayon, marahil ay talagang ipinapakita sa lipunan natin ngayon na hindi na lang lalaki at babae ang meron ngayon kasama na din dito ang bakla at tomboy na tulad natin ay may sarili ring pagsubok at buhay na tinatahak ngayon.Talaga namang interesante ang buhay ng mga lesbian marahil sa darating na panahon ay mas magkakaroon pa tayo ng kaalaman tungkol sa pamumuhay nila at itong aking akda sy isa lamang halimbawa ng kanilang pakikipag-sapalaran sa mundong ito at dun ay mas maiintindihan na natin sila.

2 comments:

  1. I'm Sonja McDonell, 23, Swiss Airlines Stewardess with 13 cities overseas, very tender with lots of fantasies in emergency cases during my flights. We lesbian girls have cells at & in our sensible body parts, which so called normal girl don't have. These cells become active in the early puberty & they can never be erased. I search girls, who want to realize their lesbian fantasies in Manila & Negros oriental & always in my vacations.
    sonjamcdonell@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. Tang inang mga tibo yan bwisit yan Lalo pa pag nakakainom akala making siga talaga buraot naman akala m my titi wala naman hndi nmn nya Kya pag pinatulan na lake sa sapakan gago tlaga pautang ina

    ReplyDelete