Thursday, September 29, 2011

Isipin mo na

TAO DIN NAMAN AKO!!!!!!!!!

(isang tula mula sa mga 3rd sex)

Sa panulat ni: Mitzy Kaye (^_`)

“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang mga bagay na ayaw mong gawin din nila sa iyo”.

---Confucious-----

Sabi nila, “Salot ka sa lipunan!”

Hindi ko kasalanan kung ipinanganak ako ng may lawit,

Dahil ang idinidikta ng puso ko’y “Bakla, pusong babae ka!”

Sa aking pananaw, wala naming masama sa ginagawa ko,

Pagkat wala akong sinasagasaang tao.

Sabi ng mga tambay as amin, “wheew!, bakla magkano ka?”

Nakakukulo ng dugo ano?,ang sarap sabihan ng “Napaka-walang hiya niyo!”

Pero hinayaan ko na lang baka pag’ pinatulan ko lalo pang lumala ang sitwasyon.

Ang sakit sa loob! Niyurakan ang buong pagkatao ko.

Natatakot akong lumaban!1

Napakasakit marinig ng mga katagang iyon.

Ganun ba ang tingin nila sa mga tulad namin?

Tao din naman kami at tulad ng iba,

Mayroon din kaming karapatan,

Karapatang mamuhay sa lipunang aming ginagalawan ng mapayapa at pantay sa paningin ng iba.

Tanong ko lang ha? Mababang uri ba ang tingin niyo sa amin?

Huwag ninyo kaming husgahan sa aming panlabas na kaanyuhan,

Bagkus kilalanin niyo kung sino at kung anong nasa kalooban naming!

Tao rin naman kami, may pakiramdam at marunong masaktan.

Kaya’t igalang niyo an gang mga tulad naming naaayon.

Kilala mo si Kung Fut’zu(Conficius) di ba?

Ang dakilang pilosopo mula sa bansang Tsina?

Nalalaman mo ba ang kanyang pinakatanyag na kasabihan?

Kung OO, salamat naman at alam mo.

At kung HINDI, alamin mo at nang malaman, maramdaman mo ang kirot na dinarama ko!

No comments:

Post a Comment