Friday, September 30, 2011

ang pilipino

di mag-aatubili
walang sasayanging sandali
i-aabot ang tulong
para sa kadugo't kalahi


mula sa nakaugaliang
kapwa ay tulungan
upang buhatin at ipasan
ang bahay kubong tinutuluyan


isama pa ang pagka-maalaga
sa mga panauhi't matatanda
na naging tatak
nating pilipino sa ibang bansa

isang ngiti sa likod ng pighati.
hindi na maikukubli
ang pagiging masayahin at pagkamagiliw
nating mga kayumanggi.

hinding hindi magbabago
kahit ilang henerasyon ang dumaan.
ang kulturang pilipino'y
nakatanim sa puso't isipan

No comments:

Post a Comment