Saturday, October 8, 2011

Nalilito ako ni Shara Mae Perez


Tao,tao
Isa ba ako sa inyo?
Mukhang naiiba ako.
Maari bang hiramin ang salamin nyo?
Titingnan ko lang ang sarili ko


Tulong,tulong
Hindi ako ‘to!
May ibang namamahay sa katawan ko!
Naliligaw ako!
Oh Dyos ko tulungan mo ‘ko!


Huwag! Huwag!
Huwag niyo akong saktan!
Marahil ako’y nalilito lamang
Lalaki ang anyo
Ngunit damdaming babae ang nasa puso


Bakit? Bakit?
Sa halip na ako’y tulungan
Pandudusta pa ang aking natitikman
Ako din nama’y likha ng may kapal,
Na may karapatang mamuhay ng normal.

No comments:

Post a Comment