Saturday, October 8, 2011

"Mahal Kita Teh!" ni John Dave Bautista

Ewan ko ba Teh,
Nalolorkey na aketch.
Ikaw kasi eh,
Nafall in love tuloy ang lola mo.

Ayokong magfly away ka,
Gusto ko lagi kang kasama.
Ikaw ang aking no.1 sister,
Pero ngayon, isa na kong admirer.

Sabay pa tayong naliligo,
Nagbibihis ka pa sa harap ko.
Walang malisya,
Kasi alam mo becky nga ako diba?

Di ko alam kung tama ba ito,
Ewan. Pero pati ako'y nalilito.
Ang alam mo Bakla talaga ako,
Patawad! paraan ko lang ito.

Noon pa man pangarap na kita,
Kapwa nagdadalaga't nagbibinata.
High School pa lang tayo,
Ikaw na ang mahal ko.

Hindi ko kasi alam kung paano,
Kaya't naisip na magpanggap ng ganito.
Isang Becky,
Isang Becky na baliw sa'yo.

Ito ang paraan upang magkalapit,
Kung kaya't heto, ako'y naiipit.
Sana dumating din ang panahon,
Maintindihan mo ang desisyon.

Kaya minsan nagtataka ka,
Manliligaw mo'y di ko konsonada.
Dahil ang gusto ko'y Ako,
Yun pala, wala ako sa choice mo.

Alam kong mali ako,
Sa una pa lang ako na ang gago.
Kaya't kung iiwan mo na ko,
Mahal, tatanggapin ko.

Kasalanan ko ito,
Totoong kasalanan ko.
At kahit masakit sa aking puso,
Patawad Teh! Nagmahal lang ako.

No comments:

Post a Comment