Saturday, October 8, 2011

Mano po!


Mano po yan ang sambit
'Twing dadalaw kami sa aming
Abuelo't abuela sa probinsya
Isang paggalang na nakasanayan
Tayong mga Pilipino di pa ba kinakalimutan?


Sa kagalangan dyan tayo kilala
Pagmamahal sa magulang walang pasidlan
Hanggang sa pagtanda hindi iiwanan
'Pagkat pagpapahalaga sa pamilya ay walang hangganan
Ganyan kaming mga Pilipino


Mapagmahal sa pamilya
Magalang sa matatanda
Dalawang birtud na ating pinagmamalaki
Sa lahat ng lahi dyan tayo angat sa kanila
'Di tulad ng iba walang paggalang
At handang malayo sa kanilang magulang


Ipinagmamalaki ko na ganyan tayong pinalaki
'Wag sanang kalimutan kulturang kinamulatan
Patuloy na paggalang sa'ting mahal na magulang
Dapat panatilihin 'pagkat ito'y kayamanan
Hindi mapapatanyan ng anupaman

No comments:

Post a Comment